
- Naging usap-usapan ang isang segment ng Kapuso Mo, Jessica Soho kamakailan matapos may lumapit na mag-asawa sa programa
- Hinala kasi ng mag-asawa, ang naiuwi nilang sanggol ay napalitan sa o
spital at hindi ito ang tunay nilang anak - Nagsagawa ng DNA test ang programa at dito na nga nalaman na tama ang kutob ng mag-asawa
Maraming Pinoy ang tumutok kamakailan sa isang segment ng Kapuso Mo, Jessica Soho kung saan humingi ng tulong ang mag-asawang sina Aphril at Marvin upang maisailalim sila at ang iniuwi nilang sanggol sa DNA test.

“Sure po ako na hindi ko anak yung napunta sa amin. May mga pictures kami na hawak na hindi po talaga siya yun,” pahayag ng kapapanganak pa lamang na si Aphril mula sa Rodriguez, Rizal. Naniniwala siya at ang kanyang asawa na hindi nila anak ang kanilang naiuwi mula sa isang ospital sa Rizal.
Nagpadagdag sa kutob ng mag-asawa at ng kanilang mga kapamilya nang aminin ng isang staff ng ospital kung saan nanganak si Aphril na mayroon umanong nalaglag na name tag ng sanggol at hindi nila alam kung kaninong sanggol ito nalaglag..
Kaya naman upang matanggal na ang mga pagdududa, sumailalim sina Aphril, Marvin, at ang sanggol na hawak nila sa dalawang DNA test. Ang isa sa mga DNA test na ito ay sinagot ng KMJS.

Ani Aphril, kung mapatutunayan na negatibo ang DNA test, agad-agad umano nilang hahanapin ang tunay na anak na naipalit. Subalit napamahal na rin umano sa kanila ang sanggol na naiuwi kaya kahit hindi man nila ito tunay na anak ay mahihirapan din umano ang mag-asawa na bitawan ito.
At sa resulta nga ng isinagawang DNA result, lumabas na negatibo ito — na ang ibig sabihin, hindi tunay na anak nina Aphril at Marvin ang sanggol na kanilang naiuwi. Dahil sa nalaman, labis na napahagulgol ang ina at nais na nga nilang agad na mabawi ang tunay na anak.
Hiniling nina Aphril at Marvin sa kausap nilang pamilya na tingin nila ay nakakuha ng kanilang tunay na anak ay agad na makipag-ugnayan sa kanila, sinabi rin nila sa ospital na dapat nitong panagutan ang pagkakamali na nagawa ng kanilang mga staff.