P1.8M ipon ng lalaki, nawaldas ng kanyang ex-GF dahil sa “malakas na budol-budol at gayuma”

  • Milyong views na ang natanggap ng isang reklamo na isinumbong sa programang Raffy Tulfo in Action
  • Inireklamo kasi ang isang babae na mapapangasawa sana ng isang OFW subalit hindi natuloy ang kasal
  • Nalimas ng nasabing babae ang ipon ng kanyang ex-BF na nagkakahalaga ng P1.8M dahil sa malakas na “budol-budol o gayuma”

Imbes na maging “happily ever after” ang pagsasama sana ng dating magkasintahan na sina Ryan Katigbak at Kristine Mae Cortiguera, tila mauuwi ito sa demandahan dahil sa nangyaring alitan sa kanila.

Imahe kuha mula sa video ng RTIA via YouTube channel

Kamakailan ay lumapit ang dating OFW na si Ryan sa programang Raffy Tulfo in Action (RTIA) upang humingi ng tulong na makasingil sa kanyang ex-girlfriend na si Kristine. Ang mga naipon kasi ni Ryan mula sa pagtatrabaho sa ibang bansa na sana ay gagamitin nila ng nobya sa kanilang kasal ay nalimas sa bank account.

Ayon sa kuwento ni Ryan, nagtungo siya ng South Korea upang doon magtrabaho. Ang kanyang sinasahod na umaabot umano sa P100,000 ay kanya umanong inilalagay sa bank account dito sa Pilipinas na hawak ng kanya noong nobya na si Kristine.

Umabot sa P1.8 million ang naipon ni Ryan, subalit nang bumalik siya sa Pilipinas noong nakaraang taon ay naghiwalay sila ni Kristine dahil may iba umanong lalaki si Kristine na hatid-sundo siya sa bahay.

Imahe kuha mula sa video ng RTIA via YouTube channel

Nalaman na lamang ni Ryan na wala na sa bank account niya ang mahigit isang milyong naipon at nawaldas na ito ni Kristine. Depensa ng babae, siya raw ay nabiktima ng malakas na “budol-budol o gayuma” na ginawa umano sa kanya ni Rodrigo, ang pinaghihinalaan ni Ryan na third party sa relasyon nila ni Kristine.

Sa salaysay ni Kristine, tila nawala umano siya sa katinuan at patuloy na lamang na nagbibigay ng pera sa kanyang driver na si Rodrigo. Ang ginagawa umano sa kanya ng driver ay inoorasyunan siya at tsaka ini-sprayan upang magbigay lang nang magbigay ng pera sa kanya si Kristine.

Imahe kuha mula sa video ng RTIA via YouTube channel

Hindi naman naniniwala si Ryan, si idol Raffy at maski ang mga netizens na nanonood sa naging palusot ni Kristine kaya niya naiwaldas ang perang inipon ng ex-boyfriend na ngayon umano ay naghihirap na at nangungutang na lamang upang may panggastos sila ng kanyang pamilya sa Batangas.

Nanindigan naman si Kristine na siya umano ay nagayuma o tinawag din niyang malakas na budol-budol. Nakausap din sa programa si Rodrigo at itinanggi niya ang parating ni Kristine.

Ayon kay Ryan, mayroong itinatago ang kanyang ex-girlfriend kaya niya kinuha ang pera.

Panoorin dito ang buong pangyayari at kung ano-anong mga kaso ang kakaharapin ni Kristine:


Loading...
Source :

YouTube

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: