Ogie Diaz may mensahe sa mga kritiko ni Angel Locsin: ‘Sa tagal niya rito sa industriya, pinanday na ‘yan ng panahon’

  • Nagbigay ng kanyang komento si Ogie Diaz tungkol sa mga kritiko na nanglalait sa katawan ngayon ni Angel Locsin
  • Sinabi ni Ogie na kahit ano pang pambabatikos at pagpuna ang gawin ng mga bashers ay hindi nito maaapektuhan ang aktres
  • Dagdag pa ni Ogie, sa tagal ni Angel sa showbiz sanay na itong madawit sa mga intriga subalit sa huli ay pinipili niyang maging masaya

Simula nang lumabas ang kanyang mga larawan noong nakaraang taon ay naging tampulan na ng pangungutya ang aktres na si Angel Locsin dahil sa paglaki ng kanyang pangangatawan.

Imahe mula Facebook

Una nang sinabi ng 35-anyos na Kapamilya actress at host na mayroong pinagdaraanang karamdaman ang kanyang katawan lalo na ang kanyang lower back. Dahil sa laki ng ipinagbago ng katawan ay maraming bashers ang kumukutya sa tinagurian noong “Philippines’ Sexiest Woman” ng isang kilalang magazine.

Netizens defend Angel Locsin in new photos: “Weight does not define beauty”

Hindi naman napigilan ng komedyante at talent manager na si Ogie Diaz na magbigay ng mensahe lalo na sa mga lumalait kay Angel. Sa kanyang recent video sa Ogie Diaz Update YouTube channel ay nagbahagi ng pananaw si Ogie tungkol sa pinagdaraanan ng aktres.

Imahe mula YouTube

“Halimbawang ako ang manager ni Angel Locsin at ganyan siya kalaki sa edad niya, okay na ‘yan basta happy siya. Hindi ‘yung, ‘oy Angel, ako manager mo, makinig ka sa akin hindi tayo kikita hangga’t hindi ka pumapayat, hindi ka naglu-loose ng weight,’” ani Ogie.

Dagdag pa ng talent manager, marami nang na-‘invest’ si Angel sa kanyang career para patulan pa ang mga ginagawang pangungutya sa kanyang katawan.

“At the end of the day, ikaw pa rin ang may concern sa sarili mo. Siguro kaya naikukumpara ay naabutan kasi si Angel noon na payat siya at naabutan siya ng mga tao noon na lumaki siya ngayon.”

Imahe mula Instagram

Sinabi rin ni Ogie sa mga kritiko na kahit anong panlalait o pagpuna ang kanilang gawin, hindi na nito maaapektuhan ang aktres.

“Hindi na nasasaktan sa panglilibak si Angel Locsin sa tagal niya rito sa industriya hindi na para iyakan pa ‘yan ni Angel. Pinanday na ‘yan ng panahon sa mga intriga sa kanya lalo na ‘yang katawan niya.”

Ang mahalaga umano para kay Ogie ay masaya si Angel sa kanyang pangangatawan, career, at love life. Aniya,  “si Angel sa sobrang sanay na siya sa showbiz hindi na ‘yan nagre-react at the end of the day happiness and Angel chose to be happy.”


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: