Saan aabot ang P10 mo? Isang non-profit organization humingi ng tulong para sa pagpapagawa ng animal shelter

  • Isang grupo na nangangalaga ng mga stray dogs ang humingi ng tulong online upang maisakatuparan ang pagpapagawa nila ng animal shelter
  • Tumatanggap ang nasabing grupo ng kahit anong halaga maski P10 — na kung pagsasama-samahin mula sa libo-libong Pinoy ay malaki nang halaga
  • Naisip nilang magpatayo ng animal shelter dahil sa dumaraming bilang ng mga inaalagaan nilang stray dogs

Dumarami na ang bilang ng mga gumagalang aso sa iba’t ibang komunidad. Karamihan sa kalagayan ng mga asong ito ay tunay ngang kaawa-awa dahil bukod sa wala silang makain, ang iba sa kanila ay mayroon ding mga sugat sa katawan.

Imahe mula sa Strays Worth Saving Facebook page

Kaya naman hindi pa rin nawawala sa ating lipunan ang mga non-profit at non-government organizations na ang dedikasyon ay nakatuon upang tulungan ang mga homeless at galang aso o pusa sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Isa na sa mga grupong ito ay ang Strays Worth Saving (SWS), isang non-profit organization na tumutulong kupkupin at hanapan ng bagong mga amo o mangangalaga ang mga galang aso pati na rin ang mga pusa.

“This page is dedicated to rescuing and helping stray dogs and cats, especially those in pain. We are hoping those who will follow this page can extend prayers and help to these poor animals,” ayon sa Facebook page ng grupo.

Imahe mula sa Strays Worth Saving Facebook page

Subalit dahil sa dumaraming mga galang aso at pusa na kailangan kupkupin at alagaan, humingi ng tulong ang grupo sa mga Pinoy lalo na sa mahigit 440,000 nilang followers ng perang donasyon upang mapagawa na nila ang inaasam na animal shelter.

“At the start, SWS was happy helping various shelters. However, as more and more rescues are fostered while awaiting adoption, I decided it is best to have one to allow for a more organized and controlled system of caring for rescues while we look for the perfect family for each one of them,” ani ng SWS sa isa nilang post.

Imahe mula sa Strays Worth Saving Facebook page

Humihingi ang grupo ng kahit anong halaga maski P10 na kapag nanggaling umano sa 35,000 na tao ay makabubuo na sila ng halagang P350,000, ang estimated cost ng ipagagawang animal shelter.

“The SWS Shelter will be built in Tanauan, Batangas. This shelter will be able to comfortably house SWS rescues while awaiting adoption. To those asking when the shelter will be ready, the answer is we commence soon as enough funds permits us to do so.”

Para sa mga nais tumulong, pumunta lamang sa Facebook page ng Strays Worth Saving.


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: