‘Nightly struggle, who can relate?’ Iya Villania nagbahagi ng nakaaaliw na larawan ng kanyang pamilya

  • Sa kanyang Instagram account, nagbahagi si Iya Villania-Arellano ng nakaaaliw na larawan ng kumpleto niyang pamilya
  • Sa larawan ay makikitang nakahiga sa kama ang kanyang asawa na si Drew at ang tatlo nilang anak, animo’y wala nang lugar kung saan mahihiga si Iya
  • Marami namang netizen ang naaliw at naka-relate sa larawan na ibinahagi ni Iya

Kung tatanungin kung sinong celebrity couple ang pinakamatagal nang may relasyon, isa marahil sa mga maiisip ay ang mag-asawang sina Iya Villania at Drew Arellano na kamakailan ay nagdiwang ng kanilang 17th anniversary.

Imahe mula Instagram

Matatandaan na noong 2014 nagpakasal sina Drew at Iya pagkatapos ang sampung taong relasyon. Alam man ng publiko ang kanilang pagiging magkarelasyon, nanatili silang low-key at hindi madalas makitang magkasama.

Pagkatapos ng dalawang taon na pagsasama bilang mag-asawa, biniyayaan sina Iya at Drew ng kanilang unang anak na si Antonio Primo Arellano na ipinanganak noong 2016. Sinundan ito ng isa pang lalaking anak na si Alonzo Leon Arellano noong 2018, at noong nakaraang taon ay nanganak muli si Iya, at sa pagkakataong ito ay biniyayaan naman sila ng babaeng anak, si Baby Alana Lauren.

Sa mahigit anim na taong pagsasama bilang mag-asawa, biglang lumaki ang pamilya nina Drew at Iya. Mula sa pagiging dalawa, naging lima agad ang kanilang pamilya. At kamakailan nga ay ibinahagi ni Iya ang isa sa mga “struggle” ng pagkakaroon ng tatlong maliliit at cute na ng mga anak.

Imahe mula Instagram

Nilagyan ng caption na, “Nightly struggle .Who can relate?”

Makikita sa larawan na nakahiga sa pinakakanan ng kama si Drew habang sina Baby Lauren, Primo, at Leon naman ay pahalang na nakahiga. Tila wala nang lugar na paghihigaan ni Iya.

Nakadagdag pa sa nakatutuwang larawan ay ang ginamit na hashtags ni Iya tulad ng “Sino maga-adjust” at “We need a bigger bed.” Marami namang netizen ang naaliw at naka-relate sa ibinahaging larawan ni Iya.

“OMG! Parang kami lang, nakasabit na lang kami mag-asawa sa gilid ng bed,” “super relate ganyan din mga babies ko same age bracket ng babies n’yo, Ms. Iya.”

Habang mayroon namang netizen na nagpaalala kay Iya tungkol sa mga ganoong klaseng eksena ng pamilya.

“Enjoy the moment. They grow up so fast.”

Siya namang tunay!


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: