Netizen nanghingi ng tulong para sa 61-anyos na nagtitinda ng halaman simula madaling araw

  • Nanawagan ang isang netizen mula Bulacan na kung maaari ay bumili ang mga plantitos at plantitas sa isang senior citizen na nagtitinda ng halaman
  • Mula madaling araw ay naghahanda na ang matanda kasama ang kanyang asawa na nawalan ng trabaho upang maglako ng halaman
  • Ayon sa matanda, kailangan nilang kumayod upang may panggastos sa araw-araw

Sa paglaganap ng mga tinawag na “plantitos and plantitas,” maraming Pinoy ang pinasok ang pagtitinda ng mga halaman. Bukod kasi sa hindi agad-agad nauubos ang suplay ng mga halaman, madali rin itong buhayin at paramihin upang ibenta.

Imahe mula kay Michelle Delos Reyes via Bayan Mo, Ipatrol Mo Facebook page

Subalit tulad ng ilang negosyo, pahirapan din ang pagbebenta ng halaman dahil na rin sa kompetisyon o dami ng mga nagbebenta. Dagdag rin sa gastos ang uupahang espasyo kung sakaling nais magbenta sa magandang puwesto.

Ganito ang pinagdaraanang hirap ng 61-anyos na senior citizen na si Nanay Carmelita Libao mula Plaridel, Bulacan. Ang kanyang kuwento ay ibinahagi ng netizen na si Michelle Delos Reyes sa Facebook page na Bayan Mo, Ipatrol Mo.

Nanawagan si Michelle na kung maaari at mapapadaan sa puwesto kung saan nagbebenta si Nanay Carmelita ay bumili sa kanya ng halaman upang kahit papaano ay makatulong  sa hirap na kanyang pinagdaraanan.

Imahe mula kay Michelle Delos Reyes via Bayan Mo, Ipatrol Mo Facebook page

Ayon kay Michelle, madaling araw pa lamang ay naghahanda na sa pagtitinda ng halaman si Nanay Carmelita at ang kanyang asawa na nawalan umano ng trabaho dahil sa pandemya.

“Naluha po kasi siya nung binilhan ko kasi sabi niya dami daw niya bayarin…” ani Michelle. Hindi rin kamahalan ang mga ibinebentang halaman ni Nanay Carmelita na ang ilan umano sa kanyang binebenta ay kanya pang tanim noon habang ang iba naman ay ibinigay sa kanya o kanyang binibili sa Calumpit, Bulacan.

Imahe mula kay Michelle Delos Reyes via Bayan Mo, Ipatrol Mo Facebook page

Nasa halagang P35, P50, P70 pesos ang mga ibinebenta ng lola depende umano sa uri ng halaman. Kuwento pa ng matanda, alas-kuwatro sila ng madaling araw nagigising upang makapag-ayos na ng puwesto sa tapat ng isang tindahan. Kapag nagbukas na ang nasabing tindahan ay lumilipat na sina Nanay Carmelita at kanyang asawa ng puwesto.

“Nanlalata nga po ako sa paghakot namin ng halaman, mahirap pong tinda ito, tiyaga lang, ‘di ko mabuhat, mabigat, kaya lang po kailangan ang panggastos sa araw araw,” ani Nanay Carmelita.


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: