
- Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Rabiya Mateo ay kanyang karanasan matapos tumulong maghatid ng mga tsinelas at school supplies sa mga bata sa Cebu
- Nagbalik-tanaw si Rabiya tungkol sa mga pinagdaanan niya habang nag-aaral tulad ng kakulangan sa school supplies
- Nais ni Rabiya na ibahagi ang kanyang kuwento sa mga bata na nakararanas ng parehong paghihirap at magbigay inspirasyon sa kanila
Ano ang iyong hindi malilimutang karanasan noong nag-aaral sa elementarya?
Para kay Miss Universe Philippines Rabiya Mateo, ang pinakahindi niya malilimutan ay iyong mga pinagdaanang hirap dahil sa kakulangan sa pera at gamit noong nag-aaral pa siya.

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Rabiya ang mga larawan habang siya ay nasa Cebu kung saan ay tumulong siyang maghatid at mamahagi ng mga tsinelas at school supplies sa ilang kabataan na nasa mahihirap na kalagayan.
Nagbalik-tanaw din si Miss U PH sa kanyang mga pinagdaanan noong nag-aaral pa lamang.
“When I was in elementary, I did not have much. I remember, I only had 5 pesos as my baon back then. I only had 2 notebooks for my 8 subjects. I used the same shoes from grade 4-6,” ani Rabiya sa kanyang IG post.
Dagdag pa niya, may mga pagkakataon din na kulang ang kanyang gamit sa eskuwela tulad ng mga krayola kaya pumupunta pa siya sa bahay ng kaklase para lamang manghiram.
“Despite these limitations however, I was happy studying and doing my school work. I made a promise to myself that when I reach that point of success, I would give back,” ani Rabiya.

Kaya naman bilang Ambassador for Education, sinikap ni Miss U PH na maglunsad ng mga proyektong makatutulong sa mga mag-aaral sa buong Pilipinas, “I want to share my story to those children who are experiencing the same hardships. I want to inspire and motivate them to achieve greater things in their lives.”
“My goal is to go to different schools all over the country and offer any help we can give,” saad pa ni Rabiya na nagpasalamat sa mga nagbigay ng donasyon para sa paaralan na pinuntahan nila sa Cebu — ang Zaragosa Integrated School na matatagpuan sa Badian Island, na dalawa hanggang tatlong oras ang layo mula sa Cebu City.
Nakapagbigay ang grupo nina Rabiya ng 150 pares ng mga tsinelas at educational materials para sa mga estudyante.
“Many students need to walk 45 mins to an hour just to get there. These kids have big dreams for themselves and their families. You can see the drive to succeed in their eyes,” ani pa ni Miss U PH.