Mark the date! P-pop group SB19, may comeback sa darating na Marso

  • Sa kanilang official Twitter account ay inanunsyo ng grupong SB19 na magkakaroon sila ng comeback sa darating na March 9
  • Walang ibang detalye ang ibinigay tungkol sa comeback subalit marami ang naintriga sa ginamit na hashtag sa caption ng kanilang poster
  • Marami namang Pinoy fans ang na-excite sa anunsyong ito dahil marami ang nais makarinig ng bago nilang kanta

Bukod sa kinahuhumalingang Korean-pop boy groups sa panahon ngayon tulad ng BTS, EXO, GOT7, at marami pang iba, hindi naman magpapahuli ang Pinoy-pop industry dahil sa kasikatan ng grupong SB19.

Imahe mula Twitter

Unang nakilala dahil sa hit single nilang “Go Up” noong 2019, maraming Pinoy ang naniwalang kayang makipagsabayan ng mga P-pop sa K-pop industry dahil sa SB19 na binubuo ng mga miyembro nito na sina Josh, Sejun, Stell, Ken, at Justin.

Unang nag-debut noong 2018, ang SB19 ang kauna-unahang P-pop group na sumailalim sa training ng isang Korean company, ang ShowBT. Napansin ng maraming Pinoy fans ang galing sa pagsayaw at steady vocals ng mga miyembro kaya naman marami sa kanila ang sumuporta, tinawag ang kanilang fans bilang “A’TIN.”

Bukod sa Go Up ay naging hit single rin ang kanilang kantang “Alab.” Sila rin ang kauna-unahang Filipino band na napasama sa Billboard’s Next Big Sound chart. At ngayong taon, nag-anunsyo ang grupo na magkakaroon sila ng comeback sa darating na March 9.

Imahe mula Twitter

Sa kanilang official Twitter account, ibinahagi ng SB19 ang isang poster na may caption na: “WhatIsComing? 2021.03.09.”

Bagama’t wala nang ibang detalye na ibinigay, marami ang naintriga sa ginamit na hashtag, ang “SB19 Ikalawang Yugto,” at “SB19 What Is Coming.”

Nag-trending sa Twitter Philippines ang hashtag “SB19 Bagong Kabanata” pagkatapos ng anunsyo ng grupo. Bagama’t hindi kinumpirma kung ang comeback ay bagong kanta o concert, marami namang Pinoy ang na-excite sa anunsyong ito.

Para naman sa darating na Valentine’s Day, tinanong kung ano ang plano nina Josh, Sejun, Stell, Ken, at Justin.  “We think we’ll still be busy preparing contents for our beloved A’TIN. Actually, if we can spend our Valentine’s with A’TIN all around the world, we’ll do it! That’s an ideal Valentine’s Day celebration.”

Mag-relax muna sa video nilang ito:


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: