Mariel Rodriguez nasangkot sa blind item ni Ivana, binalaan ni Ogie Diaz na huwag magsalita

  • Naging usap-usapan kamakailan ang ibinunyag ni Ivana Alawi na isang TV host na nanigaw sa kanya sa guesting niya sa isang programa
  • Maraming netizen ang agad na naghinuha na ang tinutukoy na TV host na ito na ang pangalan ay letrang “M” ay si Mariel Rodriguez
  • Hanggang ngayon ay wala pang reaksyon si Mariel tungkol dito at binalaan din siya na Ogie Diaz na huwag na lamang magsalita

Kamakailan ay naging maugong ang vlog ni Ivana Alawi na may pamagat na “Sagot o Lagot” kung saan ay ikinuwento niya ang isang pangyayari sa pagitan niya at ng isang TV host na nagalit umano sa kanya at dinuro-duro siya sa harap ng ibang tao.

Imahe mula YouTube

Natanong kasi kung mayroon ba siyang nakasagutan o nakaaway na ibang celebrity, at dito na ikinuwento ni Ivana ang isang pangyayari nang minsan siyang mag- guest sa noontime show na “It’s Showtime.”

“Lagi ko siyang pinapanood nung bata ako, kaya idol na idol ko siya noon,” ani Ivana. Taong 2019 nang mag-guest siya sa It’s Showtime upang i-promote ang teleserye nilang “Sino ang May Sala?: Mea Culpa.”

Kuwento ni Ivana, habang naghihintay ay nakiupo muna ang kanyang personal assistant (PA) sa isang dressing room na katapat lang ng kanilang dressing room. Nagulat na lamang umano siya nang biglang lumabas ang TV host at saka siya sinigawan at dinuro-duro.

Imahe mula Twitter

“Sabi niya, ‘you, why are you…. your person is in my room, ha! Bawal kayong pumasok sa dressing room ko. Bastos!’ Tapos parang naalala ko ‘yung reaction ko noon, ‘Sorry po, sorry po.’ As in sorry ako nang sorry. Tapos sobrang naano kasi parang sa harap ng ibang artists. Sobrang pinapahiya ako, as in…”

Dagdag pa ng vlogger hiyang-hiya umano siya sa pangyayari at umiiyak na tumawag sa kanyang ina. Hindi man niya pinangalanan, sinabi ni Ivana na nagsisimula sa letrang “M” ang pangalan ng nasabing host.

Ivana Alawi drops hint at name of TV host who yelled, humiliated her in front of others

Agad na nahulaan ng mga netizen na ang tinutukoy ng aktres ay ang dating It’s Showtime host na si Mariel Rodriguez. Ayon sa mga naalala ng netizens, may isang episode umano ng programa kung saan nabanggit ni Vice Ganda ang “galit” ni Mariel at nabanggit din dito ang pangalan ni Ivana at ang PA nito.

Imahe mula YouTube

Hanggang ngayon ay hindi pa nagbibigay ng kanyang saloobin si Mariel tungkol sa mga paratang. Sinabihan naman siya ni Ogie Diaz na isa ring talent manager na kung nasa management niya si Mariel ay sasabihan niya itong huwag na lamang magsalita tungkol sa akusasyon.

“Anong ipapayo, kung magsasalita siya o hindi? Ipapayo ko hindi!  ‘Mariel makinig ka sa akin, huwag kang magsalita kasi letra lang ‘yung sinabi ni Ivana. Ang pangalan mo Mariel, hindi ka si M,” ani Ogie.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: