Manny Pacquiao, ikinuwento ang naging pangitain na may koneksyon sa pagka-KO sa kanya ni Juan Manuel Marquez

  • Sa isang programa ikinuwento ni Manny Pacquiao na nagkaroon siya ng panaginip na may kinalaman sa naganap na laban nila ni Juan Manuel Marquez
  • Si Marquez ang pinakaunang naka-knockout kay Pacquiao sa naganap nilang laban noong 2012
  • Ayon kay Pacquiao, nanaginip siya na may nakasakay sa kabayo subalit ang kabayo ay natumba at hindi agad nakatayo

Isa na marahil sa maituturing na pinaka-hindi malilimutang pangyayari sa buong boxing community ay ang laban sa pagitan nina World Boxing Champion at ngayon ay senador na si Manny Pacquiao at ang Mexican boxer na si Juan Manuel Marquez.

Imahe kuha mula sa video ng Boxing HD via YouTube channel

Mula taong 2004 hanggang 2012, nagharap sina Pacquiao at Marquez ng apat na beses sa boxing ring. Sa unang tatlong laban ay nagwagi ang Filipino boxing champion laban sa Mexican boxer, subalit sa pag-apat nilang paghaharap, hindi malilimutang knockout ang natanggap ni Pacquiao mula kay Marquez.

Sa pang-apat nilang paghaharap sa boxing ring noong December 2012 ay napabagsak ni Marquez si Pacquiao sa round six, sa lakas ng natanggap na suntok ni Pac-man ay hindi siya agad nakabangon sa loob ng dalawang minuto, idineklarang panalo si Marquez via K.O.

Pagkatapos ng halos walong taon, ikinuwento ni Pacquiao sa programang Wowowin kung saan siya naging guest, na isang linggo bago ang kanyang pang-apat na laban kay Marquez ay nanaginip siya na mayroong koneksyon sa kanyang pagkaka-K.O.

Imahe kuha mula sa video ng Wowowin via YouTube channel

Ayon kay Pac-man, sa kanyang panaginip ay nasa itaas umano siya ng isang gusali at mula rito ay may nakita siyang tumatakbo na kabayo na mayroong sakay. Tinalon umano ng kabayo ang isang bangin upang makarating sa kabilang dako subalit hindi siya umabot at bumagsak ito kasama ng kanyang sakay. Hindi umano agad nakatayo ang kabayo at sakay nito.

Upang bigyang paliwanag ang kanyang panaginip, ilang tao umano ang nilapitan ni Pacquiao, “kinuwento ko lahat. Hindi lang siguro sampung tao ‘yung pinagtanungan ko, sabi ko ‘anong ibig sabihin ng panaginip ko na ‘to?’ Tapos sabi nila, ipag-pray na lang namin.”

Imahe kuha mula sa video ng Wowowin via YouTube channel

Hanggang sa dumating na ang araw ng kanilang paghaharap sa boxing ring ni Marquez at natalo siya. Ganun man ang nangyari, hindi umano labis na nalungkot si Pacquiao pagkatapos ng laban kay Marquez.

“Hindi ako nalungkot, kasi nag-smile pa nga ako after ng fight. Nag-smile ako kasi naalala ko ‘yung panaginip ko, na parang may nagsabi sa akin na ‘huwag ka nang malungkot, sinabi ko na sa’yo ahead of time,'” ani boxing champ.


Loading...
Source :

YouTube

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: