Mak Tumang nagdisenyo ng gown bilang selebrasyon sa ika-500 taon ng Kristiyanismo sa Pilipinas

Imahe mula kay Mak Tumang via Facebook
  • Dinisenyo ni Mak Tumang ang gown ng singer na si Jamie Rivera bilang selebrasyon sa ika-500 taon ng Kristiyanismo sa bansa
  • Mapapanood si Jaime na suot-suot ang nasabing gown sa music video kung saan niya kinanta ang official mission song ng nasabing anibersaryo
  • Simple subalit nakamamangha ang gown dahil sa cerulean tones nito na may mga nakasulat sa laylayan at dove naman sa likod

Kasabay ng pagdating sa Pilipinas ng mga Espanyol sa pangunguna ni Ferdinand Magellan noong 1521 ay ang pagpapakilala nila ng relihiyong Kristiyanismo sa mga katutubong Pilipino.

Imahe mula kay Mak Tumang via Facebook

Sa naging pananakop ng mga Espanyol ay unti-unting niyakap ng mga Pilipino ang pagiging Kristiyano hanggang sa halos nawala na ang katutubong relihiyon.  Bukod sa Kristiyanismo, iba’t ibang relihiyon pa ang nakarating dito sa bansa mula sa mga dayuhang mananampalataya.

Ngayong taong 2021 ay ipagdiriwang dito sa Pilipinas ang ika-500 na anibersaryo ng Kristiyanismo. Kasabay ng pagdiriwang ito ay inilabas ang kantang “We Give Our Yes” bilang official mission song ng nasabing anibersaryo.

Ang We Give Our Yes ay kinanta ng batikang mang-aawit at tinaguriang “Inspirational Diva” na si Jamie Rivera.

Sa music video ng nasabing kanta ay makikita si Jaime na nakasuot ng nakabibighaning gown na dinisenyo ng Filipino fashion designer na si Mark Aldane Velasco Tumang o mas kilala na Mak Tumang.

Imahe mula kay Mak Tumang via Facebook

Sa kanyang Facebook page, ibinahagi ni Tumang ang larawan ng nasabing gown na dinisenyuhan sa pamamagitan ng cerulean tones, at mayroon ding mga nakasulat na mga baybayin sa may laylayan ng gown, at sa likod naman nito ay may puting dove.

“Inspired by the logo of 500 years of Christianity, I made this immaculate gown with tones of cerulean for Ms. Jamie Rivera for the music video of We Give our Yes, the official mission song of #500YOC,” ani ng fashion designer sa kanyang post.

Panoorin ang music video ng kantang “We Give Our Yes” dito: