Maja Salvador at Empoy magtatambal sa bagong teleserye na mapapanood sa TV5

  • Kinumpirma ng aktor at komedyante na si Empoy na nagsimula na ang lock-in taping para sa bago niyang teleserye
  • Nabanggit din na Empoy na makakatambal niya sa teleseryeng ito na mapapanood sa TV5 ang aktres na si Maja Salvador
  • Wala pang ibang detalye tungkol sa teleserye na ito subalit hiningi niya ang suporta ng mga Pinoy para sa bago nilang proyekto

Naging usap-usapan ang pangalan ng aktres na si Maja Salvador matapos makansela ang programa nila kasama si Piolo Pascual sa TV5 network na “Sunday Noontime Live.” Bagama’t todo ang paghingi ng paumanhin ng direktor ng SNL na si Johnny Manahan o Mr. M kina Piolo at Maja, nanatili naman ang suporta ng aktres sa pagpapalabas ng ASAP sa Kapatid network.

Imahe mula kay Maja Salvador via Instagram

Subalit kaakibat ng pagkawala ng SNL ay ang bali-balitang lilipat sa GMA network si Maja. Nagpadagdag sa espekulasyon ay nang may lumabas na larawan nina Maja at Heart Evangelista sa social media.

Johnny Manahan apologizes to Piolo, Maja for convincing them to join TV5’s SNL

Wala mang kumpirmasyon na ibinibigay si Maja, kamakailan ay ibinahagi naman ng aktor at komedyanteng si Empoy na magkakaroon sila ng bagong teleserye ni Maja sa TV5.

Sa kanyang YouTube channel, sinagot ni Empoy ang “most searched questions” tungkol sa kanya sa pinakabago niyang vlog.

“Meron po ako ngayon —magla-lock in shoot kami ngayon nila Maja Salvador, at marami ‘pang iba. Working pa yung title under TV5, teleserye siya,” ani Empoy.

Imahe kuha mula sa video ng Empoy Official via YouTube channel

Bagama’t hindi na nagbigay na iba pang detalye si Empoy, hiniling naman niya ang suporta ng mga Pinoy sa bagong proyekto nila ni Maja na tila isang comedy, “sana po abangan n’yo po ‘yan, makapagpasaya po sana sa inyo ‘yung teleserye na gagawin namin.”

Dahil sa rebelasyon na ito ni Empoy, nasagot na ang haka-haka ng ilang netizens tungkol sa paglipat ng network ni Maja. Matatandaan na sa ngayon, si Maja ang nagma-manage ng kanyang sariling showbiz career dahil nagtayo na rin siya ng sariling management agency kasama ang kanyang nobyo na si Rambo Nuñez, ang Crown Artist Management.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: