‘Love is the happiness of today and the promise of tomorrow’: Viral prenup photoshoot ng senior citizen couple

  • Viral sa social media ang photoshoot para sa 50th wedding anniversary ng senior citizen na mag-asawa mula sa Maguindanao
  • Kuwento ng mag-asawa, surpresa para sa kanila ng mga anak ang naganap na photoshoot
  • Ikinuwento rin ng mag-asawa ang umpisa ng kanilang pagmamahalan na nagbunga ng 12 anak

Marami ang naniniwala na panghabang-buhay ang pagmamahalan, dahil na rin pinatototohanan ito ng kuwento ng mga mag-asawa na sa tinagal-tagal ng pagsasama ay nanatili pa rin ang pagmamahal sa isa’t isa.

Imahe kuha mula sa video ng ABS-CBN News via YouTube channel

Tulad na lamang ng viral na mga litrato ngayon sa social media ng mag-asawa mula sa Upi, Maguindanao. Ang mga larawan kasi na ito ay itinatampok ang senior citizen na mag-asawa para sa selebrasyon ng ika-50 anibersaryo ng kanilang kasal.

Noong Pebrero 2 ay nagdiwang ng kanilang golden wedding anniversary sina Renato Moncera, 81 anyos, at asawa niyang si Virginia, 71 anyos. Kuwento ng mag-asawa, hindi nila akalain na magkakaroon sila ng photoshoot na surpresa umano sa kanila ng mga anak.

Imahe mula kay Ayn Aris Fampulme via Facebook

“Surprise kasi talaga. Nalaman na lang namin nung nandon na kami sa hotel. ‘Yung kasama na namin… Dun ko naintindihan na pakana lahat ng anak namin,” kuwento ni Nanay Viriginia. Bukod sa photographer ay nakahanda na rin umano pati ang make-up artist at ang mga gagamitin nilang damit para sa photoshoot.

Sa kuwento ng pag-iibigan nina Tatay Renato at Nanay Virginia, hindi umano naging sukat ang tagal ng panahon upang mapatunayan kung totoo ang kanilang pagmamahalan. Bilang pagdiriwang ng kanilang wedding anniversary, ikinasal muli sina Tatay Renato at Nanay Virginia sa isang maliit na simbahan sa Upi, Maguindanao.

Imahe kuha mula sa video ng ABS-CBN News via YouTube channel

Ani ng mag-asawa, wala umanong naganap na ligawan sa kanila, at pagkatapos ng anim na buwan ay naisipan na nilang magpakasal.

“Parang biglaan lang. ‘Di ko pa nasasabing mahal ko siya kasi ‘di ko rin naman narinig sa kanyang nagsabi na ‘mahal kita’ o ano… Kami sa pagtingin lang nagkasundo lang sa biruan. ‘Yun ang love life namin,” kuwento ni Tatay Renato.

Ang kanilang pagmamahalan ay nagbunga ng 12 na anak na nagsilbing biyaya para sa mag-asawa. Sa ngayon ay patuloy silang namumuhay nang simple subalit napupuno ng pagmamahalan.

Nakarating pa sa Kapamilya network ang kuwento nila at napanood nationwide! Tunay na memorable ang kanilang golden wedding celebration.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: