Kiray Celis kinutya ng ilang netizens dahil sa suot na scarf na nagkakahalaga ng P16k

  • Ang sana’y pag-promote lamang ng natanggap ni Kiray Celis na scarf mula sa isang sponsor ay kinutya ng ilang netizens
  • Ang scarf kasi na ito ay branded at nagkakahalaga ng P16,000 ayon kay Kiray
  • Maraming netizens ang minasama ang pag-promote na ito ni Kiray at kinutya pa ang aktres sa kanyang hitsura at maski personal na buhay

Karaniwan na ngayon lalo na sa celebrities at influencers ang pagpo-promote ng mga ibinibigay sa kanila ng sponsors. Sa kanilang mga social media accounts nagpo-post ang celebrities at influencers upang i-promote sa kanilang mga fans at followers ang mga produkto na ibinibigay ng iba’t ibang sponsors.

Imahe mula Instagram

Isang daan na rin ito upang pagkatiwalaan ng mga Pinoy ang brand lalo na kung celebrities o influencers mismo ang nag-promote nito. Karaniwan sa mga produktong ipino-promote ay may kamahalan lalo na sa mga kilalang luxury brand.

Isa ang aktres at komedyanteng si Kiray Celis sa mga nagbabahagi ng kanyang sponsors sa social media. At kamakailan nga, isang Gucci scarf  na binili ni Kiray mula sa isang online shop ang ibinahagi niya sa social media. Marami sa kanyang followers ang nagulat sa halaga ng scarf na ito.

“My 16k Gucci scarf from @luxonlinephofficial!” ani ng aktres na nagbiro pa ng “‘di ko na talaga matutubos mga pamangkin ko. Hahaha.” Pinasalamatan din niya ang may-ari ng online shop na nagbenta sa kanya ng Gucci scarf.

Imahe mula Instagram

Subalit imbes na bumilib o matuwa ang followers at ilang netizens, kinutya pa ng ilan ang 25-anyos na aktres dahil sa kanyang pag-post ng mamahaling scarf. “Nagmukhang 600 (pesos) nung sinuot mo,” ani ng isang netizen.

Pinansin din ng ilang netizens ang mga nagbibigay kay Kiray ng sponsorships, “hilig mo sa libre. Tinalo mo pa si Lovee, mayabang sa set, pabida lang may pa-free food lagi! Charity.”

Ang iba ay dinamay na rin pati ang pagkatao ng aktres at ang kanyang personal na relasyon, “Kiray needs to understand and accept herself. Mahilig sa gwapo, nagspo-sponsor sa gwapo, ending hinihiwalayan din. Love yourself girl.”

Imahe mula Instagram

Bagama’t marami ang kumukutya, mayroon pa ring fans ang dumedepensa sa aktres, “ang mahalaga ‘di n’yo pera ang pinambili nya. Sorry sa mga can’t afford na bitter dito,” ayon sa isang netizen.

Mula sa mga negatibong komento ng bashers, wala naman ni isa sa kanila ang pinatulan ni Kiray. Kalma lang.


Loading...
Source :

Instagram

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: