#JustForFun? Misis niregaluhan ang mister ng larawan ng mga babaeng madalas nitong i-like sa social media

  • Usap-usapan online ang TikTok video ng isang misis kung saan ay binigyan niya ng regalo ang mister noong Pebrero 14
  • Ang regalong ito ay mga larawan ng kababaihan na madalas i-like ng mister sa social media, at ginawa ito bilang biro ng misis
  • Natawa naman ang nasabing mister dahil sa kakaibang regalo na natanggap

Sa katatapos na selebrasyon ng Valentine’s Day, maraming netizens ang nagbahagi ng kanilang mga larawan habang ipinagdiriwang ang espesyal na araw kasama ang kanilang mga partner. May iba rin naman na ipinagdiwang ito kasama ang mga kapamilya o kaibigan.

Imahe kuha mula sa TikTok

Bukod sa mga larawan noong selebrasyon, madalas ding ibahagi sa social media ang mga larawan ng natanggap na regalo ng mga magkarelasyon. Karaniwan na rito ay boquet of flowers, chocolates, teddy bears, sapatos, damit, relo, at iba pa.

Subalit isang misis ang nakaisap ng kakaibang regalo para sa kanyang mister na mahilig mag-like ng larawan ng mga seksi at magagandang babae sa social media. Kaya naman ang ginawa ng misis ay nag-print siya ng mga larawan ng kababaihan sa Instagram na madalas umanong i-like ng kanyang mister.

Ang mga printed na larawan ng kababaihan ay nilagyan pa ng misis ng stick at maayos na itinayo sa isang tila karton na kulay pula. Gamit ang TikTok, dito ni-record ng misis na mayroong username na @gr93la ang pagbibigay niya ng regalo sa kanyang mister.

Imahe kuha mula sa TikTok (I-click para mapanood ang video)

Nilagyan ang nasabing TikTok video ng caption na: What did you get your man for Valentine’s Day?

Ang video ngayon ay umani na ng mahigit 22 million views.

“Since everyone is sharing what they got their significant other for Valentine’s Day, I thought I’d share mine. I got my husband this cute little box and filled it with pictures of all the girls that he’s been liking on Instagram. Hope he likes it,” ani ng misis.

Imahe kuha mula sa TikTok (I-click para mapanood ang video)

Bukod sa paghahanda ng misis ng regalo pasa kanyang mister, mayroon ding TikTok video siyang ibinahagi ng naging reaksyon ng mister sa natanggap.

“What the hell is this?” ang natatawang tanong ng mister na sinagot naman ni misis ng, “all the pictures you’ve been liking on Instagram.”

“Oh, very nice,” nakangiting tugon ng mister.

Hindi naman umano sineseryoso ng misis ang pagla-like ng kanyang mister sa ibang larawan ng mga babae at ginawa pa niya itong biro upang patawanin ang mister.

Mataas ang trust rating!


Loading...
Source :

TikTok, TikTok

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: