Joshua Garcia nagsalita na sa unang pagkakataon tungkol sa Paubaya MV: ‘Parang sakto masyado sa amin’

  • Sa unang pagkakataon simula nang lumabas ang music video ng kantang ‘Paubaya,’ nagsalita na ang isa sa mga  gumanap dito na si Joshua Garcia
  • Ani Joshua, pumayag siyang gawin ang proyekto dahil sa pagiging close niya kina Moira at sa asawa nitong si Jason, at ang ex-GF na si Julia
  • Dagdag pa ng aktor, nang mapakinggan niya ang kanta ay tila sakto umano ito sa kuwento nila ni Julia

Ang Valentine’s Day sana ay ipinagdiriwang kasama ang mga mahal sa buhay, subalit ngayong taon, naging masakit para sa maraming Pinoy ang araw ng mga puso dahil ito rin ang araw nang ilabas ang music video ng kanta ni Moira Dela Torre na “Paubaya.”

Imahe mula DF News

Una nang napakinggan ang madamdaming kanta ng tinaguriang “Queen of Hugot Songs” na si Moira noong nakaraang Oktubre. Maraming Pinoy ang naka-relate sa “Paubaya” dahil tungkol ito sa kuwento ng ipinaubayang pag-ibig na tapat.

Lubos na nagpaantig ng damdamin ng mga Pinoy ang gumanap sa music video — ang dating magkasintahan na sina Julia Barretto at Joshua Garcia.

Naging viral ang nasabing video hindi lamang dahil sa mga gumanap na artista kundi marami ang nagsasabi na ito ang “closure” ng kanilang naudlot na relasyon. Matatandaan na 2019 nang mapabalitang naghiwalay na sina Joshua at Julia na isa pa naman sa mga kinakikiligang real-life couples.

Imahe kuha mula sa video ni Moira Dela Torre via YouTube channel

Sa unang pagkakataon, nagsalita na si Joshua tungkol sa lumabas na music video. Habang nagko- co-host sa  “ASAP Natin To”,  tinanong si Joshua kung paano siya napapayag na gawin ang proyekto lalo na at ang makakasama niya rito ay ang ex girlfriend.

Gumanap na pari sa music video ng “Paubaya”, ibinahagi ang kuwento sa likod nito

“Simple lang ang sagot ko diyan — ‘yung friendship namin nina Moi (Moira), nina Kuya Jason (asawa ni Moira) and Julia. ‘Yun ‘yung isa sa nagpa-‘oo’ talaga sa akin. Seryoso, totoo ‘yun,” tugon ng Kapamilya actor.

Imahe kuha mula sa video ni Moira Dela Torre via YouTube channel

Dagdag pa ng aktor, “si Moi ‘yung nag-ask sa akin, eh. Sabi niya, ‘okay ka ba to do this Paubaya?’ Napakinggan ko ‘yung kanta. Sabi ko, ‘ang ganda nito, ah. Parang saktong sakto masyado sa amin.’”

Sa ngayon ay mayroon nang mahigit 19.4 million views ang nasabing music video.

Inamin din ni Joshua na excited siya noong araw ng MV shoot nila ni Julia. ” Ka-message ko nga si Kuya Jason before the shoot. Sabi ko sa kanya, ‘bro, sigurado ako exciting itong mangyayari.’ Kasi parang doon na lang kami ulit nagsama-sama ulit. Last project naming ginawa na magkakasama is ‘Love You to the Stars and Back,’ yung ‘Torete’ ni Moi.”


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: