Janine Gutierrez at Rayver Cruz, hindi apektado ng trabaho ang relasyon, hindi uso ang pagiging selosa at seloso

  • Lumabas ang balitang maaaring hindi makapagdiwang ng Valentine’s Day sina Rayver Cruz at Janine Gutierrez
  • Sa ngayon ay may kanya-kanyang proyekto ang dalawa subalit hindi umano apektado ang kanilang relasyon
  • Ayon din sa isang source, hindi uso ang selosan kina Rayver at Janine at nagkakaroon lamang sila ng oras sa isa’t isa kapag walang trabaho

Taong 2017 nang lumabas ang balita tungkol sa relasyon nina Janine Gutierrez at Rayver Cruz. At bagama’t nagta-trabaho na sa magkaibang TV network, hindi naman ito naging hadlang sa relasyon ng celebrity couple.

Imahe mula Instagram

Kamakailan ay pumirma ng kontrata si Janine Gutierrez sa ilalim ng ABS-CBN Network mula sa pagiging GMA artist. Sinuportahan naman ito ng kanyang nobyong si Rayver na kasalukuyang nasa GMA network na noon ay isang Kapamilya rin.

“He was very supportive. He introduced me sa mga pamilya niya sa ASAP. You know he was there for 18 years. Parang dun siya tumanda. He’s so excited for me to get to work with all of his Kapamilyas as well,” ani Janine sa isang pahayag.

Subalit ngayong paparating na Valentine’s Day, mukhang malabo na makapagdiwang ang dalawa dahil sa kani-kanilang mga trabaho. Sa inilabas na ulat ng Bandera, sinabi roon na sa February 14 nakatakdang isang buwan lock-in taping ni Rayver para sa teleseryeng “Nagbabagang Luha” ng GMA. Habang abala rin sa ngayon si Janine sa pagpo-promote ng kanyang pelikula kasama si JC Santos, ang “Dito at Doon.”

Imahe mula Instagram

Ayon umano sa isang mapagkakatiwalaang source, “ilang araw na lang Valentine’s Day na. Malabo ang date nung dalawa kasi si Rayver, naghahanda na ng mga kailangan niya para sa 30-day lock in taping. si Janine naman halos walang bakanteng araw dahil sa mga commitments niya.”

Gaano man kaabala sa trabaho, hindi naman umano ito nakakapekto sa relasyon ng dalawa. “Hindi uso sa kanila ang selos, puro trabaho lang. Basta lagi lang silang nagtatawagan kapag libre o kaya video calls. Kumustahan kung anong ganap nila sa araw na ‘yun.”

Sa isa pang panayam, sinabi naman ni Janine na malaking impluwensiya sa relasyon nila ni Rayver ang kanyang ina na si Lotlot de Leon.

“Siguro ang natutunan ko ay mahalaga din ‘yung opinion ng mommy ko. Parang how the person treats the family. Lalo na tayong mga Pilipino, mahalaga sa’tin ‘yung pamilya natin. ‘Yung mommy ko, gustong-gusto talaga siya ever since. Even before me, si Mama talaga,” ani Janine.


Loading...
Source :

Bandera, Philstar, MSN

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: