Jackie Forster labis ang pasasalamat kay Karla Estrada sa pagiging ‘surrogate’ mother kina Andre at Kobe

  • Sa kanyang social media account ay nagbahagi ng “appreciation post” si Jackie Forster sa kanyang matalik na kaibigan na si Karla Estarada
  • Labis ang pasasalamat ni Jackie kay Karla na tumayong ‘surrogate mother’ kina Andre at Kobe nang wala ang kanilang ina sa kanilang tabi
  • Ayon naman kay Karla, mahal na mahal din niya sina Andre at Kobe  na itinuring din niyang parang mga sariling anak

Normal sa mga magkakaibigan na susuportahan nila at tutulungan ang isa’t isa sa oras ng pangangailangan. At para sa magkaibigan na sina Jackie Forster at Karla Estrada, ang pagiging ina ang nagtulak sa kanila upang mas mapalapit sa isa’t isa.

Imahe mula Instagram

Sa kanyang Instagram account, nagbahagi ang dating aktres na si Jackie ng “appreciation post” para sa kanyang kaibigan, ang TV host na si Karla.

Nagbahagi si Jackie ng isang video clip kung saan makikita ang bonding moments ni Karla kasama ang mga anak ni Jackie sa dating kinakasama at basketball player na si Benjie Paras na sina Adre at Kobe.

“This is an appreciation post. I have nothing else to share at the moment, so I want to express gratitude for your friendship @karlaestrada1121,” ani Jackie na pinasalamatan si Karla sa pagiging acting “surrogate” mother sa kanyang dalawang anak.

“Thank you for helping me watch over my two big babies. I love you soooo much! And yes, I would do it for you too, this is why you are so blessed!” dagdag pa ng dating aktres.

Imahe mula Instagram

Nag-iwan naman ng komento si Karla sa appreciation post ng kaibigan, “Anytime! My dream is to have 50 children! Love your kids, they are good boys. Relax ka lang dyan and be safe. See you soon. Love you.”

Kasalukuyang nasa ibang bansa si Jackie kasama ang kanyang  Dutch businessman husband na si Michel Franken.

Bukod kina Andre at Kobe, mayroon pang tatlong anak si Jackie sa kasalukuyang asawa. Ito ay sina Jared, Caleigh at Yohan. Habang mayroon namang apat na anak si Karla, sina Daniel, Jose Carlito, Carmela, at Margaret o kilala rin sa tawag na Magui.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jackie Forster (@jackie_forster)


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: