Hidden Garden sa Maynila, binuksan na sa publiko

  • Binuksan na sa publiko ang bagong atraksiyon at pasyalan sa lungsod ng Maynila, ang Hidden Garden
  • Pinangunahan ang pagbubukas ng Hidden Garden nina Mayor Isko Moreno at Vice Mayor Honey Lacuna
  • Dating tambakan ng mga sirang sasakyan at tahanan ng mga street dwellers ang nasabing parke sa loob ng maraming taon

Isa na namang atraksiyon at pasyalan sa Lungsod ng Maynila ang kamakailan ay pinasinayaan sa pangunguna ni Manila City Mayor Isko Moreno at Vice Mayor Honey Lacuna.

Imahe mula kay Mayor Isko Moreno via Facebook page

Ang lugar na ito ay ang Hidden Garden, ang isang ektaryang lupain na matatagpuan sa tapat ng Liwasang Bonifacio. Dati umano itong tambakan ng mga sirang sasakyan at gamit ng lokal na pamahalaan. Dito rin noon naninirahan ang mga street dwellers sa loob ng maraming taon kaya rin napabayaan.

“We will not stop our journey towards a better Manila for the people of Manila,” ani Mayor Isko sa kanyang talumpati sa naganap na inauguration ng nasabing garden.

Kung noon ay tambakan lamang ng mga sirang gamit, ngayon ay napalilibutan ng iba’t ibang halaman at bulaklak ang nasabing garden. Sa gabi naman ay napupuno ito ng liwanag dahil sa mga ilaw. Sa loob ng garden ay matatagpuan ang isang coffee shop na tinawag na Hidden Garden Café, dito ay maaaring tumambay at kumain ang mga nais bumisita sa Hidden Garden.

Imahe mula kay Mayor Isko Moreno via Facebook page

Marami nang kalapit sa  pampublikong lugar at pasyalan ang Hidden Garden, at tanaw mula rito ang Metropolitan Theater, city hall, at post office. Maaari ding lakarin mula rito patungong Binondo.

Ayon sa alkalde ng lungsod, ninais nilang buhayin ang Hidden Garden upang madagdagan ang mga open space sa lungsod na maaaring pasyalan ng mga Pinoy. Mainam at mas ligtas sa mga lugar na may open spaces lalo na sa panahon ngayon na mayroong pandemya.

Imahe mula kay Mayor Isko Moreno via Facebook page

Dagdag pa ni Mayor Isko, sana umano ay panatilihin ng mga mamamasyal sa Hidden Garden ang ganda na kanilang nadatnan, “Sana dumating silang malinis, nadatnan nilang malinis, pag-alis nila pilitin naman nilang maging responsableng indibidwal.”

Manila LGU magbibigay ng libreng swab test para sa mga empleyado ng sinehan

Bukod sa Hidden Garden, binuksan na rin ang iba pang pasyalan tulad ng Fort Santiago at ilan pang museo sa Intramuros. Matatandaan na ibinalita kamakailan na papayagan na ng  International Automotive Task Force(IATF) ang pagbubukas ng ilang establisimyento tuald ng sinehan, libraries, archives, museums, cultural centers at iba pa sa mga lugar na nasa ilalim ng  GCQ.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: