Heart Evangelista inalala ang mga panahon na wala siyang pera: ‘Thirty pesos lang laman ng ATM ko’

  • Sa isang exclusive interview kamakailan, nagbahagi si Heart Evangelista ng mga personal niyang karanasan noong umalis siya sa poder ng magulang at nagsisimula pa lang sa showbiz
  • Ayon sa aktres, nagbago ang kanyang lifestyle at nawala ang marangya niyang buhay
  • Naranasan din niya na mawalan ng pera lalo na noong 2007 na aniya ang tanging laman ng kanyang ATM ay P30

Tila mahirap paniwalaan na ang aktres, influencer, queen of collaborations, advocate, at philanthropist na si Heart Evangelista ay nakaranas ng hirap dahil maituturing siya na isa sa mga pinakamarangyang personalidad at fashion influencer ngayon sa bansa.

Imahe kuha mula sa video ni Aivee Day via YouTube channel

Sa social media pa lamang ay makikita na ang mga nakalululang luxury brands na pagmamay-ari ng Kapuso aktres idagdag pa rito ang kanyang mga naipundar at ari-arian nila ng asawa ang Sorsogon governor na si Chiz Escudero.

Sa kanyang eksklusibong panayam sa YouTube channel ng beauty doctor na si Dr. Aivee Teo kung saan kliyente niya si Heart o Love Marie sa totoong buhay, dito ay kinuwento ng aktres ang kanyang mga pinagdaanang hirap lalo na nang umalis sa poder ng kanyang mga magulang.

Taong 2007 nang umalis ang aktres sa kanilang bahay upang ituloy ang kanyang pagiging artista. Noong panahong iyon umano ay ginagawa niya ang teleseryeng “Hiram na Mukha” na ani Heart ay isa sa pinakamahirap na proyektong kanyang pinagdaanan.

Imahe kuha mula sa video ni Aivee Day via YouTube channel

“Super prosthetics. It was the hardest thing I’ve ever done,” pag-amin ng aktres na unang nagsimula sa ABS-CBN noong 2007 bago lumipat sa GMA pagkaraan ng isang taon.

“Ang hirap kumita ng pera. That was when I left my parents the first time around,” kuwento ng aktres. Dagdag pa niya, sa pag-alis niya sa poder ng mga magulang ay tinalikuran din umano niya ang nakagisnang karangyaan. “So, I had to start from scratch. So, change of lifestyle din ako—from my mom to ‘simplicity is beauty.’”

Imahe mula kay Heart Evangelista via Instagram

Pag-aalala pa ni Heart, may pagkakataon umano na nilibre siya ng kanyang assistant ng dinner dahil walang laman ang kanyang ATM.

“Si Ate Resty [assistant ko] naglibre sa akin sa restaurant, oo. Wala akong pera. Thirty pesos lang laman ng ATM ko, so wala akong pang-dinner. Ate Resty made me libre to a Japanese restaurant,” kuwento ng aktres.

Bukas sa publiko ang naging love-hate relationship ni Heart at ng kanyang mga magulang na sina Reynaldo at Cecilia Ongpauco. Unti-unti lamang silang nagkaayos matapos makasal ang aktres sa politikong si Chiz.


Loading...
Source :

YouTube

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: