Gardo Versoza kapani-paniwala sa pagganap ng mga beki roles, laging kinukuha ng film producers

  • Sa presscon ng kanilang bagong comedy film, ibinahagi ni Gardo Versoza ang kanyang pananaw tungkol sa pagganap sa ‘beki’ roles
  • Ayon kay Gardo natutuwa siya sa mga ginagampanang role na may kinalaman sa LGBTQ+ community na kapani-paniwala naman para sa mga producers
  • Makakasama ni Gardo sa bagong pelikula ang iba pang beki comedians

Hindi biro ang pagganap ng iba’t ibang role ng mga artista lalo na kung ito ay magkakaiba ang sekswalidad tulad ng bakla o tomboy. Subalit para sa beterano at itinuturing na “versatile” actor na si Gardo Versoza, mas ikinatutuwa niya ang pagganap sa mga beki roles na kapani-paniwala naman para sa mga producers.

Imahe mula Instagram

Sa naganap na press conference para sa bagong comedy kung saan isa sa mga bibida ay si Gardo, sinabi nito na marahil sa kanyang past life ay dati siyang miyembro ng LGBTQ+ community.

Sa pelikulang ito na pinamagatang “Ayuda Babes” ay gaganap si Gardo bilang bading na kapitana. Hindi ito ang unang pagkakataong gaganap siya bilang isang binabae. Sinabi na rin ng aktor na tila gamay na gamay na niya ang pagganap sa role.

Ganun pa man sinabi naman ni Gardo na ibang-ibang beki ang mapapanood nila sa karakter niya sa Ayuda Babes. Ikinuwento rin niya ang masayang karanasan sa kanilang shooting dahil wala raw silang ginawa kundi tumawa na lamang nang tumawa.

Imahe mula Instagram

Matatandaan na umaani rin ng atensyon si Gardo dahil sa paggawa niya ng TikTok videos habang nakasuot ng heels at todo kung gumiling. Aniya, ginawa niya ito upang mapasaya ang misis.

“At siya rin ang nakaisip na mas maganda kung naka-high heels ako. Size 12 [paa ko]. Siya bumibili. Eh, awa ng Diyos sa taas ng mga ginagamit ko, hindi pa naman ako natatapilok. Nagre-rehearse kami, for about an hour lang,” dagdag pa ng aktor.

Imahe mula Instagram

Makakasama rin ni Gardo ang ibang beki comedians sa pelikula. Nandiyan sina Ate Gay, Negi, Petite Brokovich, Juliana Porizkova Segovia, Brenda Mage, Bernie Batin at Iyah Mina.

Ang Ayuda Babes ay sa direksyon ni  Joven Tan at maaari na itong mapanood sa iWantTFC at KTX.PH simula sa March 5.

Samantala, may pasilip si Gardo s akanyang YT channel:


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: