Estudyante ginamit ang mga lumang college papers upang makagawa ng obra tampok si Van Gogh

  • Hinahangaan ngayon ang obra ng isang estudyante matapos niyang maisipang gamitin ang mga lumang college papers
  • Ang obra na ito ay portrait ng kilalang artist na si Vincent Van Gogh gamit ang mga binilog na papel at kinulayan ng acrylic
  • Sa ngayon ay ibinebenta ang nasabing artwork na apat na buwan ginawa ng estudyante

Parte na ng buhay ng mga nag-aaral sa kolehiyo ang pagpapa-print ng iba’t ibang paper works para sa kanilang mga subject. Bukod sa assignment, research, o proyekto, karamihan din sa mga estudyante ay nagpapa-print ng kanilang reviewers upang mas madali nila itong mabasa at madala kahit saan.

Imahe mula kay Viella Dean Agno via Facebook

Bagama’t mahalaga ang “papel” ng mga nasabing paperworks sa kolehiyo, nawawalan din ito ng halaga kapag tapos nang gamitin o naipasa na at na-check na ng mga professor. Marami sa mga estudyante ang natatambakan ng iba’t ibang papel na kanila nang nagamit.

Kaya naman para sa 22-anyos na college student na si Viella Dean Agno, mahalaga na makapag-isip ng ibang paraan kung saan maaaring gamitin ang mga lumang paperworks.

“I read before from an article that paper waste is a serious problem, so I decided to create an artwork made of my school papers,” ani ni Viella na isa ring artist mula sa Pasig City.

Imahe mula kay Viella Dean Agno via Facebook

Kaya naman gamit ang kanyang mga lumang paperworks, isa-isa niya itong ginupit nang pahaba at saka binilog at idinikit sa canvas. Ang mga binilog na papel ay isa-isa at matiyagang kinulayan ng acrylic paint.

Mula sa 3,480 paper tight coils ay nakagawa si Viella ng portrait ng kilalang artist na si Vincent Van Gogh. Ayon pa sa estudyante, apat na buwan niya itong ginawa mula November 2020 dahil hindi madali ang pagbibilog ng mga papel at pagkukulay sa mga ito.

“Ilang beses na ko muntik maduling nung nagkukulay ako ng bilog.”

Kuwento pa ni Viella, nakikita umano niya ang kanyang sarili kay Van Gogh kaya ito ang ginamit niyang subject sa kanyang obra. Sa ngayon ay ibinebenta ni Viella sa kanyang Facebook account ang nasabing artwork.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: