Customer sumaludo sa isang shop dahil sa pagbibigay-trabaho sa mga tambay bilang delivery rider

  • Namangha ang customer pagkakita sa rider matapos ang halos tatlong oras na paghihintay sa kanyang order
  • Nalaman niyang tambay pala ito na binigyan ng trabaho ng tindahan bilang rider
  • Sinaluduhan niya ang pinagbilhan, maging ang rider dahil sa layo ng biniyahe nito gamit lamang ang bisikleta

“Solid nung nag deliver ng order ko,” yan ang pambungad ni Michael Jamandre sa kanyang post.

Imahe via Michael Jamandre | Facebook

Kuwento niya, may inorder siya sa isang shop at nagsisimula na siyang mainis dahil halos tatlong oras na umano siyang naghihintay at wala pa ring dumarating. Ngunit nang makita niya ang delivery rider, magkahalong emosyon ang kanyang naramdaman. Natawa siyang noong una at nakaramdam ng pagkaawa pagkatapos.

“Grabe from Binondo papuntang Cavite eto lang gamit n’ya tapos ang rate 250 pesos,” pagsasalarawan niya sa rider na gumamit lamang ng bike para maihatid ang order.

Nagtanong siya sa pinagbilhan kung sariling rider ba daw ito nila at kinumpirma ito ng tindahan. Mga tambay raw ang mga kinukuha nilang rider para imbes na magbisyo, binibigyan nila ng trabaho.

Ang delivery fee ay inihalintulad nito sa Lalamove para mura at hindi lugi ang buyer.

Nagbigay ng pagsaludo si Michael sa kanyang pinagbilhan.

“Para doon sa store saludo ako sa pagtulong n’yo sa mga tambay sa inyo at doon sa nagdala ng item ko idol kita sana gayahin ka din ng mga ibang tambay sa inyo.”

At para kay rider, imbes na may sukli pa siya na P250, binigay na ito lahat ni Michael bilang tip. Ayos!

Imahe via Michael Jamandre | Facebook

“Take note, may sukli na 250 sabi ko kuya sa’yo na yan kasi ramdam ko pagod mo babalik ka pa ng Binondo at wala ka namang item na pabalik isipin mo Php 250 balikan Binondo – Cavite tapos balik uli ng Binondo.”

Ngunit ibinalik pa rin ng rider ang Php 100 sa Php 250 na sukli dahil ok na raw siya roon. At ang bisikleta pa nitong ginamit ay hindi pang racing kundi bike na maliliit ang gulong.

“..ang hirap padyakan niyan,” dagdag pa ni Michael. Kaya maging ang rider ay nakatanggap din ng papuri mula sa kanya.

Ang post na ito ay humakot ng mahigit 66k reactions, 4.7k comments at 37k shares.

Maging kami rin ay saludo sa inyo. Sana’y maraming walang trabaho ang mai-inspire sa post na ito. Huwag tanggihan kung may pagkakataonng kumita.


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: