
- Nagbahagi kamakailan si Chynna Ortaleza ng Valentine’s celebration nila ng asawang si Kean Cipriano
- Sa larawang ito ay marami ang pumansin sa kanyang timbang, sabi ng marami lubos na pumayat ang aktres
- Nagbahagi naman ng kanyang hinaing si Chynna tungkol sa mga taong namamansin ng timbang ng iba at kung paano ito nakaaapekto kahit walang masamang intensyon
Hindi man sinasadya ng ilan, mahilig tayong mga Pinoy na mamansin ng timbang ng mga kapwa natin lalo na kung napansin na nadagdagan ito o nabawasan. Bagama’t ang ilan sa mga pamamansin na ito ay walang masamang intensyon, nakaaapekto pa rin ito ng negatibo sa mga taong nakaririnig lalo na kung ito ay tila pangungutya.

Ito ang naramdaman at ibinigay na saloobin ng Kapuso actress na si Chynna Ortaleza kamakailan nang nagbahagi siya ng larawan ng Valentine’s Day celebration nila ng asawang si Kean Cipriano.
Sa nasabing larawan ay mahahalata ang payat na braso at leeg ng aktres. Isang netizen ang nakapansin nito na kanya namang nireplyan ng “yup dietary hanges for a couple of months! Pero okay din, ang healthy ko kumain.”
Subalit hindi lamang iisa ang netizen na nag-iwan ng komento tungkol sa nabawasang timbang ng aktres. Ang ilan pa nga rito ay tila pangungutya dahil sa labis na pagkapayat ni Chynna. Kaya naman sa isang IG post, nagbahagi ang Kapuso actress ng kanyang hinaing.

“Do you know that comments that are put out there without any ill intention in mind can be scarring? You may wonder how can that be? They may bring up past wounds. Most especially if they are repeated over and over as if to make you believe that there is something so terribly wrong with oneself,” ani Chynna.
Ang kanya umanong tinutukoy ay ang pagpansin sa kanya ng mga tao simula noon pa kung saan ay tinatawag na siyang “payat,” “anorexic,” “mukhang sitaw,” at maski umano ang kanyang pagtaba ay pinapansin din, “ay ang taba mo na,” “mas gusto ko na payat kesa mataba,” at iba pa.

Ayon kay Chynna, mabilis ang metabolism ng kanyang katawan, at ang problema umano ay kung paano sabihin ng mga tao ang ganitong klaseng obserbasyon na nagmumukha nang pangungutya para sa kanilang nakaririnig.
“It’s been a struggle for me to feel that I meet the seal of approval as they say. But really who does? You have the ability to tranform lives through the use of tone and words. Speak kindly to yourself & one another,” ani ng 38-anyos na aktres.