Chito Miranda ipinasilip ang Miranda’s Rest House na maaari ding i-rent simula ngayong Pebrero

  • Ipinasilip ni Chito Miranda ang kabuuan ng resthouse ng kanyang pamilya na tinawag na Miranda’s Rest House
  • Malawak ang kabuuan ng resthouse na mayroon pang swimming pool, basketball court, playground, at iba pa
  • Ayon kay Chito, bukod sa kanyang pamilya, maaari ding magamit ng ibang tao ang kanilang resthouse na open for rent na ngayong Pebrero

Nakilala ang mag-asawang sina Chito Miranda at Neri Naig sa social media dahil sa mga inspirational posts tungkol sa kanilang pamilya, pagiging mag-asawa, at pagpapalaki ng anak. Bukod sa pagiging lead vocalist ng bandang Parokya ni Edgar, pinasok na rin ni Chito ang pagnenegosyo kasama ang kanyang asawa na si Neri.

Imahe mula kay Chito Miranda via Facebook

Magiging dagdag sa mga negosyo ng mag-asawang Chito at Neri ay ang kanilang Miranda’s Rest House na maaari nang rentahan ng mga Pinoy ngayong Pebrero. Ipinasilip ni Chito sa kanyang Facebook ang kabuuan ng mga makikita sa kanilang resthouse.

“Virtual Tour ng Miranda’s Rest House. Gusto ko lang po i-share sa inyo ‘yung laman ng aming resthouse, para makita n’yo kung anong meron, at kung ano ang mga pwede n’yong gawin if ever matripan n’yo maki-stay at makibakasyon dito sa resthouse namin,” ani Chito sa kanyang post.

Sa mga larawan ng resthouse ay makikitang mayroon itong malawak na bakuran kung saan matatagpuan ang isang baketball court,  tree house at playground, miniature olympic size swimming pool, pavillion, at mga kuwarto na mayroong eleganteng interior designs.

Imahe mula kay Chito Miranda via Facebook

Ani Chito, mayroong kabuuang 4 na kuwarto ang kanilang resthouse, at bawat kuwarto ay kasya ang dalawa hanggang apat na katao, mayroon ding dalawang barkada rooms kung saan kasya ang apat hanggang anim na katao.

Ang isang kuwarto ay maaaring rentahan ng nagkakahalagang P5,000, ang buong apat na kuwarto ay nagkakahalaga ng P20,000. Bukod sa mga kuwarto, maaari ding rentahan ang kanilang pavilion sa halagang P30,000 para sa mga selebrasyon tulad ng binyag, birthday, kasal, debut, at iba pa.

Imahe mula kay Chito Miranda via Facebook

Puwede ring rentahan ang buong resthouse sa halagang P50,000. “But please, please, please, keep in mind na resthouse talaga namin ito, and nag-i-stay talaga kami dito to relax pag walang work…so please take care of our resthouse, tulad ng pag-alaga namin, if ever maki-stay kayo,” paalala naman ni Chito.

Para malaman ang iba pang detalye tulad ng pagkakaroon ng reservations, puntahan lamang ang Facebook post ni Chito sa link na ito.


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: