Chito Miranda at Neri may mensahe tungkol sa pagtupad ng goals: ‘Mas magandang maging wais kaysa maarte’

  • Nagbahagi muli ng inspirational na mensahe ang mag-asawang sina Chito Miranda at Neri Naig sa social media
  • Ang mensaheng ito ay tungkol sa pag-abot ng mga pinapangarap at goals sa buhay sa pamamagitan ng sipag at tiyaga
  • Sinabi ng mag-asawa na huwag mahiya sa mga ibinebenta dahil mas maiging maging wais sa panahon ngayon

Kilala ang mag-asawang sina Chito Miranda at Neri Naig hindi dahil sila ay mga kilalang personalidad kundi dahil sa mga inspirasyon at motivational messages na kanilang ibinabahagi online.

Imahe kuha mula sa Facebook page ni Neri Naig-Miranda

Karamihan sa mga mensahe na ito ay tungkol sa kanilang pamilya, sa relasyon nilang mag-asawa, pagpapalaki ng anak, pagnenegosyo, at sa kabuuan ay ang pagiging wais. Kaya naman nauso sa kanila ang hashtag “wais na misis” at “wais na mister.”

Kamakailan, muling nagbahagi ng inspirational message ang mag-asawa sa Facebook page ng aktres na si Neri. Nagbahagi sila ng selfie kasama ang isang mahabang caption na patungkol sa pagtupad ng mga pangarap at goals sa buhay.

Ang larawan ng mag-asawang Chito at Neri ay kuha sa Tagaytay Highlands, isang eksklusibong village. “Balang araw magiging member din kami dyan at ‘di na kami pahintuin ng mga guards at tanungin kung anong pakay namin,” ang paunang caption ng larawan.

Imahe kuha mula sa Facebook page ni Neri Naig-Miranda

Kuwento ng mag-asawa, kaya sila pumupunta roon ay upang maghatid ng mga paninda. Hindi umano sila nahihiya sa mga ibinebenta lalo na sa panahon ngayon.

“More benta pa ng tuyo, beddings, damit, pampaganda, pajamas, suka, accesories, at kung ano pa ang maisipang ibenta. Hindi ko ikahihiya yan kung nakakapag invest naman ng properties.”

Chito Miranda ipinasilip ang Miranda’s Rest House na maaari ding i-rent simula ngayong Pebrero

Dagdag pa ni Neri, “mas magandang maging WAIS sa buhay kaysa maging maarte at ikinahihiya ang magbenta benta! At dapat focus lang sa goal.” Maganda rin umano na isinusulat ang mga goals kada buwan upang mas ganahan na tuparin ang mga ito.

Imahe kuha mula sa Facebook page ni Neri Naig-Miranda

“Naisulat n’yo na ang goal nyo nung January? Natupad naman? Nagawa mo naman? Ok lang yan, umpisahan na lang ngayong February, wala namang karera eh, ang mahalaga ay inuumpisahan at ginagawa,” mensahe pa ng mag-asawa.

Sa huli, nag-iwan ng makabuluhang mensahe sina Neri at Chito, “kanya-kanya man tayo ng goals sa buhay, ang mahalaga inuumpisahan natin, ginagawa, at tinatapos. Tiwala lang.”


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: