Catriona Gray ibinahagi ang nagustuhang katangian ni Sam Milby: ‘He has a great relationship with my parents’

  • Sa isang programa, ibinahagi ni Catriona Gray ang kanyang mga nagustuhang katangian ng nobyong si Sam Milby
  • Kabilang sa mga katangiang ito ay ang pagiging “good listener” ni Sam at ang magandang relasyon ng nobyo sa mga magulang ni Catriona
  • Sinabi rin ni Catriona na ipinagdiwang niya ang nakaraang Pasko kasama ang pamilya ni Sam sa US

Hindi na nagtaka pa ang maraming Pinoy nang kinumpirma na nina Miss Universe 2018 Catriona Gray at aktor na si Sam Milby ang kanilang relasyon noong May 2020. Bago pa man ang kumpirmasyon na ito, marami nang mga balita ang lumabas tungkol sa pagkakamabutihan ng dalawa.

Imahe mula Instagram

Bagama’t sinusubukan nilang maging lowkey ang kanilang relasyon, nababanggit pa rin nina Sam at Catriona ang isa’t isa sa mga nagiging panayam. At kamakailan nga ay ibinahagi ni Catriona sa programang “Sakto” ng TeleRadyo ang mga katangian na nagustuhan niya sa 36-anyos na nobyo.

“He’s a very good listener, I really appreciate that. And he really goes out of his way to make time for me because we are both busy naman. So I really appreciate the small things talaga that he really shows that he’s thinking of me and he makes time for me,” pagbabahagi ng 27-anyos Miss Universe 2018.

Dagdag pa ni Catriona, bukod sa relasyon nila ni Sam, maganda rin ang relasyon ng nobyo sa kanyang mga magulang.

“He has a great relationship with my parents which is really fulfilling thing for me rin. It’s really nice to see them have that friendship already with my parents because that means a lot to me and I know that Sam knows that.”

Imahe mula Instagram

Ayon din kay Catriona, ipinagdiwang niya ang nakaraang Pasko sa US kasama ang pamilya ni Sam.

“I had the opportunity to spend Christmas sa US kasama ng boyfriend ko as family which was really nice. It was my first time to spend Christmas away from my family, so it was nice to feel that I was with my family pa rin.”

Matatandaan na 2018 unang na-link sina Sam at Catriona at 2019 naman nang kumpirmahin ni Catriona ang paghihiwalay nila ng kanyang longtime boyfriend na si Clint Bondad.

“When you’re together for so long and you start off from a very young age, you grow. Whether that be in your personal or in your career—sometimes you just outgrow each other,” ani Catriona nang tanungin ang dahilan ng paghihiwalay nila ni Clint.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: