‘Bubble pod’ para sa mga nais ng kakaibang date ngayong Valentine’s, iniaalok ng isang mall sa Baguio City

  • Ngayong Valentine’s Day, mahalaga na sumunod pa rin sa ‘new normal’ dahil mayroon pa ring banta ng COVID-19
  • Kaya naman alok ng isang mall sa Baguio City para sa mga magkasintahan na naghahanap ng kakaibang date ang mga ‘bubble pod’
  • Mula sa bubble pod na ito ay kita ang 360 degrees view ng kalangitan at ang top view ng Baguio City

Isa ang Valentine’s Day sa mga masasayang araw para sa mga magkarelasyon. Ito kasi ang espesyal na araw na ipinagdiriwang nila ang pagmamahalan sa isa’t isa sa pamamagitan ng pagpapalitan ng regalo, pagpunta sa mga magagandang pasyalan, o pagpunta sa mga kainan o restaurant.

Imahe mula ABS-CBN Facebook page

Subalit dahil sa banta ng COVID-19, nalimitahan ang ilan sa mga aktibidad na karaniwang ginagawa tuwing Valentine’s Day. Hindi kasi pinapayagan ang maraming tao sa isang lugar dahil na rin sa umiiral na physical distancing.

Nagbabala rin ang ilang eksperto noong nakaraan na kung maaari ay iwasan muna ang halikan lalo na kung hindi naman nagsasama sa iisang bahay ang magkarelasyon. Ito ay upang maiwasan na rin ang pagkalat ng coronavirus.

Ngayon na marami na ang sumasailalim sa swab test upang matiyak na sila ay negatibo sa COVID-19, at nagbukas na rin ang ilang pasyalan dito sa bansa, may ilang mga Pinoy na binabalak pa ring maging espesyal ang kanilang Valentine’s Date.

Imahe mula ABS-CBN Facebook page

Sa lungsod nga ng Baguio ay iniaalok ng isang mall ang tinatawag na “bubble pod” kung saan ay pribadong makapagdiriwang ang magkasintahan habang sila ay nasa loob ng isang transparent pod. Mula sa bubble pod ay makikita ang 360 degrees view ng kalangitan at maski ang top view ng Baguio City.

Bukod sa magandang tanawin, naaayon din umano ang bubble pod na ito ngayong mayroong pandemya. Mayroon ding inaalok ang mall na dine-in sa ferris wheel naman para sa mga magkasintahan na mahilig kumain at hindi takot sa matataas na lugar.


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: