Bea Alonzo ibinahagi ang diet workout pantanggal quarantine weight gain: ‘Don’t be too harsh on yourself’

  • Sinabi ni Bea Alonzo na nadagdagan ang kanyang timbang simula noong nagkapandemya
  • Upang mabawasan ang nadagdagang timbang ay ibinahagi ni Bea ang mga ginagawang workout routines at diet
  • Kasabay ng pagpapapayat ni Bea ay ang naka-line up niyang tatlong pelikula ngayong taon

Maraming Pinoy ang sasang-ayon na bumigat ang kanilang timbang simula noong nagka-lockdown at napilitan ang marami sa atin na pumirmi sa mga tahanan. Bukod kasi sa nalimitahan ang paggalaw ng katawan, naging daan rin ang pagkain ng marami upang mawala ang nararamdamang stress dulot ng pandemic.

Imahe mula Freepik

Kaya naman mayroon ding mga Pinoy ang pinipiling gawing fit at healthy ang kanilang lifestyle sa kalagitnaan ng pandemya para sa mas mabuting kalagayan ng katawan lalo na sa panahon ngayon. Nauso ang iba’t ibang workout routine, yoga, at kahit mga simpleng ehersisyo na magagawa sa loob ng bahay.

Kabilang ang mga artista sa mga ginamit ang oras ng lockdown upang mag-ehersisyo. Subalit para sa mga artista tulad ni Bea Alonzo, aminado silang nadagdagan ang kanilang timbang simula noong magka-pandemya.

Kaya naman ngayong tuloy-tuloy na ulit ang paggawa niya ng mga project, isa sa mga ninanais ni Bea na mabawasan ang kanyang timbang at maging mas lean ang bones at slender ang katawan.

Imahe mula kay Bea Alonzo via YouTube channel

” I gained weight nung pandemic, but that’s okay, I’m trying to lose it. ‘Di ba, sabi nga, don’t be too harsh on yourself,” ani Bea na mas ninanais ang iba’t ibang activity bilang kanyang ehersisyon.

“Nagba-badminton ako ngayon. I also do Pilates and some weight training. So hangga’t may oras pinu-push ko,” ani ng 33-anyos na aktres. Dagdag pa niya, na-enjoy niya ngayon ang paglalaro ng badminton.

Imahe mula kay Bea Alonzo via YouTube channel

“Sa badminton, it makes me feel good na apart from being active, I’m doing something na parang it pushes me to be more competitive. Kasi kung hindi, parang give up ka na lang sa life, di ba? So ganyan, it makes me feel good.”

Isa na ring paghahanda ang pagpapapayat at ginagawang ehersisyo ni Bea dahil ayon sa ulat ng Philippine Entertainment Portal, mayroong tatlong pelikula na naka-line-up para sa kanya. Kabilang dito ang Filipino adaptation ng 2004 South Korean film na  A Moment To Remember kung saan ay makakatambal niya si Alden Richards.

Tara na’t sumilip sa kanyang vlog:


Loading...
Source :

YouTube, PEP

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: