Bagong fantaserye ni Sen. Bong Revilla sa GMA na ‘Agimat ng Agila’ napabalitang kaabang-abang ang special effects

  • Ngayong Pebrero ay ipinalabas ang trailer ng pinakabagong fantaserye sa GMA na pagbibidahan ni Senator Ramon “Bong” Revilla Jr.
  • Sa trailer pa lang ng “Agimat ng Agila” ay mapapansin na ang mga umaatikabong eksena at special effects
  • Napabalitang sa third quarter pa ng taon maaaring lumabas ang fantaserye dahil sa dami ng special effects 

Bago naging senador ay unang nakilala bilang beteranong aktor at action star si Ramon “Bong” Revilla Jr. At bagama’t nakatutok ang senador ngayon sa kanyang pagsisilbi sa publiko, hindi naman naalis ang kanyang pagiging aktor.

Imahe kuha mula sa video ni Sen. Bong Revilla Jr. via Facebook

Sa unang linggo ng Pebrero ay ipinalabas ang trailer na pinakabagong fantaserye ni Sen. Bong Revilla na mapapanood sa GMA, ang “Agimat ng Agila.” Sa trailer ay mapapansin na ang mga umaatikabong bakbakan na nahaluan ng fantasy.

Unang nakilala sa kanyang pagganap bilang “Ang Panday,” hindi na bago para kay Sen. Revilla ang ganitong klaseng mga pagganap. Nang mapanood naman ng kanyang asawa na si Bacoor City Mayor Lani Mercado ang trailer ng nasabing action fantasy series ay mayroon umano siyang napansing kahawig ng senador.

“Noong napanood ko pa lang ang teaser ng Agimat ng Agila, ang sabi ko agad, ‘Parang si Hyun Bin si Senator,’” ani Mayor Lani na ang tinutukoy ay ang South Korean actor na si Hyun Bin na kilala sa pagganap bilang Captain Ri sa Korean series na “Crash Landing on You.”

Imahe kuha mula sa video ni Sen. Bong Revilla Jr. via Facebook (I-click ang imahe para mapanood ang video)

Ayon sa ulat ng Bandera, karakter ni Sen. Bong sa Agimat ng Agila ay si Maj. Gabriel Labrador ng Task Force: Kalikasan. At ang nasabing fantaserye ay magkakaroon ng labintatlong episodes na maaaring mapanood sa ikatlong quarter pa ng 2021 dahil umano sa sa dami ng special effects sa post production.

Makakasama ni Sen. Revilla sa fantaserye sina Roi Vinzon, Sheryl Cruz, Elizabeth Oropesa, Allen Dizon, Benjie Paras, Michelle Dee, Seth de la Cruz, Ian Ignacio, Miggs Cuaderno, at Sanya Lopez.

Ang fantaserye ay sa direksyon ni Rico Gutierrez na nakilala bilang direktor sa iba pang programa ng GMA tulad ng Daig Kayo ng Lola Ko, Amazing Earth, Game of the Gens at iBilib.

Ang Agimat ng Agila ang magiging TV comeback ni Sen. Revilla matapos magpahinga sa paggawa ng mga teleserye at pelikula. Lubos din ang pasasalamat ng senador kay Direk Rico dahil pinag-isipan umanong mabuti ang fantaserye.


Loading...
Source :

Facebook, PEP

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: