Ate Gay binayaran na matapos umapela online tungkol sa unpaid talent fees para sa tatlong Kapuso shows

  • Umapela ang komedyanteng si Ate Gay sa social media tungkol sa mga hindi pa nababayaran niyang talent fees para sa tatlong programa ng GMA network
  • Matapos mag-post ay agad siyang binayaran ng dalawang show samantalang ngayong Pebrero naman siya mababayaran para sa isa pa
  • Ani pa ni Ate Gay, ang ilan sa mga shows na ito ay last year pa naipalabas

Bilang isang personalidad o celebrity na lumalabas sa telebisyon, kumikita ang mga nasa industriya ng showbiz sa pamamagitan ng pagbabayad sa kanila ng talent fees dahil sa paglabas sa isang programa, guesting, interview, at iba pa.

Imahe mula Facebook

Depende sa usapan ng management o network at ng handler ng artista, ang talent fees ay karaniwang ibinibigay pagkatapos lumabas sa isang programa sa telebisyon. Subalit mayroong pagkakataon na hindi agad nababayaran ang artista dulot ng iba’t ibang kadahilanan.

Tulad na lamang ni Ate Gay, o Gil Morales sa totoong buhay, na idinaan sa social media ang paniningil sa GMA Network para sa tatlong shows nito kung saan umano siya lumabas.

Sa ngayon ay deleted nang tweets ng komedyante, umapela si Ate Gay sa GMA management upang bayaran na siya sa kanyang talent fee sa paglabas sa mga programang All-Out Sundays (AOS), YouLol, at Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS).

Imahe mula Twitter

Isa sa mga nabanggit na programa ni Ate Gay ay noong nakaraang taon pa umano ipinalabas. Matapos mag-post sa Twitter ay agad na nag-follow up ng tweet ang komedyante at sinabing binayaran na ang talent fee niya sa programang KMJS.

Ang dalawang tweets ay burado na ngayon sa Twitter account ng komedyante.

Ayon naman sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal), nabayaran na umano si Ate Gay ng programang KMJS at YouLol. Habang sa darating na February 25 naman umano siya babayaran ng programang AOS.

Matatandaan na bukod kay Ate Gay, idinaan din ng komedyanteng si Ethel Booba noong 2019 ang paniningil sa ilang shows ng ABS-CBN tulad ng Minute To Win It at Gandang Gabi Vice kung saan siya naging guest. Pagkatapos ng matagal na paghihintay, binayaran na rin umano ang talent fee ni Ethel.

Basahin: Na-charot ang TF? Ethel Booba, ibinulgar na may ilang TV guestings siyang ‘di pa bayad

Mukhang ito na yata ang ‘new normal’ para sa delayed talent fees?


Loading...
Source :

PEP, MB, DF News

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: