Asong hinahabol ang sasakyang akala niya ay sa kanyang amo kinahabagan

  • Nadurog ang puso ng babae nang makita niyang hinahabol ng isang aso ang sasakyan habang nasa highway
  • Sinabihan niya ang drayber tungkol sa aso ngunit hindi raw ito sa kanya
  • Kinahabagan ang aso nang maikuwento ang pangyayari sa social media

Kilalang tapat ang mga aso sa kanilang amo. Kaya hindi na nakapagtataka kung pinabayaan man sila o ‘di sinasadyang naiwan, hahanap-hanapin pa rin nila ang kanilang amo.

Imahe via Jastine Santos | Facebook

Para sa mga mahihilig sa hayop, masakit makakita ng alagang naghahanap ng kanyang amo. Ganyan ang naranasan ni Jastine Santos gabi ng Pebrero 11. Habang nasa daan siya papuntang ICCT at Q Plaza, Cainta, Rizal napansin niyang tumatakbo ang isang asong Pinoy na may puti at kayumangging batik. Hinahabol nito ang kotse sa harapan.

Nadurog ang puso niya habang nakasunod sa aso. Awang-awa siya rito. Sa tingin niya, iniwan ang aso ng amo nito. Tiinawag niya ang atensyon ng drayber ng kotse ngunit itinanggi nito na sa kanya ang aso.

“Nakakapanglambot. Thinking na kung hindi man talaga ‘yun ‘yung nang-iwan sa kanya, maybe naka-kotse din yun kaya hinahanap niya,” pahayag niya.

Dagdag pa niya, ”Sobrang bigat lang din sa dibdib na nakikitang inuubos n’ya yung lakas n’ya sa pagtakbo makita lang uli amo niya.”

Ang layo na raw ng tinakbo ng aso.

Nahabag ang mga netizens nang mabasa ang kanyang kuwento. Ngunit marami ang duda na baka amo nga talaga iyon ng aso at iniligaw lang ito.

“Tingin ko lang owner niya ‘yung hinahabol niyang car. For sure alam niya ang amoy ng owner niya pati sasakyan.”

“Hindi maghahabol ‘yung aso na ‘yun kung hindi sa kanila ‘yun. Baka iniligaw nila dahil ang aso kahit malayo o nasa loob ng sasakyan ‘yung amo alam nila ‘yun at naamoy. Ka walang hiya naman talaga.”

Imahe via Jastine Santos | Facebook

Marami ang nagsabing sana’y iniuwi na lang ni Jastine ang aso kaya’t  nagpaliwanag siya na hindi niya ito magagawa dahil naka-motor siya at may mga kinokonsidera siya. Ngunit may panawagan siya sa mga mag-aalaga ng aso.

“And a friendly reminder para sating lahat. Please be aware that once you buy/adopt a dog, or a cat, etc that means you have a FULL LOAD of RESPONSIBILITY. They truly love you. Please love them back.”

Balak ni Jastine na balikan ang lugar upang hanapin ang aso. Kung sino man ang may nawawalang aso na kahalintulad ng sa kuwento, maaaring bisitahin ang orihinal na post rito.


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: