‘You are not alone’: Bianca Gonzales nagbahagi ng bare-faced selfie upang i-promote ang self-confidence sa kabila ng ‘maskne’

Imahe mula Instagram
  • Nagbahagi si Bianca Gonzales-Intal ng kanyang no-make up na larawan na nagpapakita ng breakouts ng kanyang pimples sa mukha
  • Ang larawan ay upang magpaalala sa mga kapwa niya Pinoy na tinutubuan din ng tigyawat sa panahon ngayon
  • Ayon naman sa mga eksperto, normal na magkaroon ng pimples o acne dahil na rin sa pagsusuot ng face mask

Dati, sinasabi ng nakararami na tuwing tinitighiyawat ang isang tao ay dahil in love ito o mayroong minamahal. Ngayon, bagama’t  hindi na nagkikitaan ang mga tao ng mukha lalo na sa labas ng bahay dahil sa suot na face mask at face shield, marami sa mga Pinoy ang namomroblema dahil sa dumadaming pimples sa mukha.

Imahe mula Freepik

Nakatutulong ang face mask bilang proteksyon laban sa COVID-19, subalit nagdudulot naman ito ng impeksyon sa mukha ng tao na tinawag na “maskne” —  ang breakout ng pimples dahil sa pagsusuot ng face mask.

“Virtually all skin types will see some form of irritation from wearing a face mask if they are wearing them for extended amounts of time each day,”  ayon kay Dendy Engelman; isang dermatologic surgeon mula sa New York.

“Many people will see irritation from the physical friction and/or pressure of the material on their skin, while others will see acne pop up,” dagdag pa niya.

Imahe mula Freepik

At upang ipaalala sa maraming Pinoy na hindi sila nag-iisa sa panahon ngayon na nauuso ang “maskne”, nagbahagi ang TV host na si Bianca Gonzales-Intal ng bare-faced selfie bilang pagpo-promote ng self confidence.

“It really is difficult to feel confident when you get breakouts, but it really does happen to many of us. You are not alone. #normalizeacne,” ang inilagay na caption ni Bianca kalakip ang kanyang no-makeup na larawan.

Imahe mula kay Bianca Gonzales-Intal via Instagram

Marami naman sa kanyang followers ang na-inspire dahil dito.

“I need this now! Thank you Miss B! am really having a bad acne breakout now and it just makes me feel so sad. Nakakabawas talaga ng confidence,” ani ng isang nag-comment.

Para naman maiwasan ang “maskne,” nagbahagi ng ilang simple tips ang ilang eksperto.

Una na rito ay ang paghuhugas ng mukha bago magsuot ng face mask upang mabawasan umano ang bacteria na nananatili sa mukha. Mahalaga rin na ang gagamiting face cleanser ay hindi magdudulot ng pagka-dry ng mukha. Mabuti rin ang exfoliation ng mukha isang beses kada linggo para matanggal ang buildup at para ma-unclog ang mga pores.