‘We will always be here to support you and cheer you on’: Anne Curtis gumawa ng tula sa kaarawan ni Erwan Heussaff

  • Bilang selebrasyon sa kaarawan ng asawa, gumawa si Anne Curtis ng simpleng tula para kay Erwan Heussaff
  • Ang mensahe ng tula ni Anne ay tungkol sa naging pagsasama nila ni Erwan at sa mga darating pang panahon kasama ang anak nila na si Dahlia Amelie
  • Bumati rin sa kaarawan ni Erwan ang kanilang mga kaibigan ni Anne sa showbiz

Kung noon ay nakasanayan ng marami sa atin na magkaroon ng malaking salo-salo kasama ang pamilya at mga kaibigan tuwing kaarawan, dahil sa pandemya ay napilitan ang marami sa atin na magdiwang na lamang kasama ang malalapit na pamilya at walang enggrandeng handaan.

Imahe mula Instagram

Naging bahagi man ito ng new normal sa pagdiwang ng kaarawan, marami sa atin ang nag-isip ng iba’t ibang paraan upang gawing espesyal ang araw ng kapanganakan kahit sa maliit na paraan.

Kamakailan ay ipinagdiwang ng chef at entrepreneur na si Erwan Heussaff ang kanyang ika-34 na kaarawan. Bilang pagbati sa kanya ng asawang si Anne Curtis, gumawa ang Kapamilya actress at host ng simpleng tula para sa asawa.

Another year for you around the sun, Spending the past year so intimately with you has been quite fun. Hoping this year that has just begun, brings all your wishes, dreams & goals one by one. We will always be here to support you and cheer you on. You mean the the world to us and we love you very much, Erwan.”

Imahe mula Instagram

Ang nasabing tula ay nakalagay sa caption ni Anne sa larawan nila ng asawa kasama ang anak nilang si Dahlia Amelie na kamakailan ay nagdiwang din ng ikasampung buwan.

“Hope you like my little poem,” ani pa ng It’s Showtime host. Bumati rin kay Erwan ang mga kaibigan nila ni Anne sa showbiz na sina Dingdong Dantes, Luis Manzano, Raymond Gutierrez, at marami pang personality.

Kasalukuyang nasa Australia ang pamilya nila Anne at dito rin nagdiwang si Erwan ng kaarawan sa pamamagitan ng pamamasyal nilang mag-asawa kasama si Baby Dahlia.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: