Vlogger Mikey Bustos inaming natakot noong una dahil sa relasyon niya kay RJ Garcia

  • Sa takot na mahusgahan ng lipunan, itinago ng vlogger na si Mikey Bustos at entrepreneur na si RJ Garcia ang kanilang relasyon sa loob ng halos walong taon
  • Sa isang artikulo na lumabas kamakailan, inamin ng dalawa ang gaan sa kanilang loob matapos isapubliko ang relasyon
  • Ngayon ay patuloy sa paggawa ng YouTube videos si Mikey sa tulong na rin ng kanyang partner na si RJ

Unang nag-viral noong 2011, maraming Pinoy ang naaliw sa mga YouTube videos ng Filipino-Canadian na si Mikey Bustos dahil sa kanyang mga hashtag “relatable” moments ng mga Pinoy.

Imahe mula Instagram

Pagkatapos mag-viral noong 2011 ay nilisan ni Mikey ang kanyang hometown sa Toronto, Canada upang manirahan dito sa Pilipinas at  ipagpatuloy ang kanyang karera sa showbiz. Naging komedyante at endorser si Mikey ng iba’t ibang produkto habang patuloy na gumagawa ng mga nakaaaliw na YouTube videos.

Subalit hindi lamang magandang karera ang natagpuan ni Mikey sa Pilipinas, dahil dito niya rin nakilala ang taong nagpatibok ng kanyang puso — ang entrepreneur na si RJ Garcia.

Sa isang artikulo na inilabas ng Philstarlife kamakailan, inamin nina Mikey at RJ ang hirap ng kanilang pinagdaanan sa pagtatago ng kanilang relasyon.

“Finally, our relationship is no longer a dirty little secret,” ani ng 39-anyos na si Mikey hinggil sa kanilang walong taong relasyon ng 35-anyos na si RJ. Una umanong nagkakilala ang dalawa noong 2012 dahil sila ay naging magkapitbahay.

Imahe mula Instagram

“He was my neighbor. I found him kind of cute. I initiated our first meeting,” ani Mikey. Inamin rin ng dalawa na ang kanilang pagkikita ay parehong “love at first sight.” Subalit dahil sa “wholesome” na imahe ni Mikey sa mga programa sa telebisyon at endorsements, pinili nilang gawing sikreto ang relasyon.

Subalit nang maghiwalay noong 2019, nagkaroon ng pagkakataon sina Mikey at RJ na makapag-isip tungkol sa kanilang relasyon at magkaroon ng “soul searching.” Hanggang sa mapagtanto nila na tunay na pagmamahal lamang ang mayroon sa pagitan nila.

Noong 2019 din ay napagdesisyunan nilang aminin ang relasyon sa kani-kanilang pamilya. At sa kanilang kasiyahan, tinanggap pareho ng kanilang pamilya ang relasyon at tuluyan nang nawala sa kanila ang pangamba na baka mahusgahan ng lipunan.

Imahe mula Instagram

“For so many years, we couldn’t afford to have a decent photo together in public, in the places we visited for fear that people would discover our relationship,” ani RJ na founder ng   Appledrive Project Inc.

Ngayon ay patuloy pa rin sa paggawa ng mga proyekto at YouTube content si Mikey, at hindi na lamang siya nag-iisa dahil kasama at kapiling na niya ang minamahal na si RJ. “I cook for him. I feed him. I’m always there for him. I love him,” ani RJ.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: