‘Suot mo lahat ng gusto mo na ikasasaya mo’: Karla Estrada nagbahagi ng mga swimsuit photos habang nasa Boracay

  • Ipinagdiwang ni Karla Estrada ang katatapos na holiday season sa Boracay kasama ang kanyang buong pamilya
  • Sa kanyang social media account ay nagbahagi ng mga larawan si Karla habang nakasuot ng swimsuit 
  • May isang netizen ang nagbigay ng komento tungkol sa kanyang kawalan ng confidence na magsuot ng swimsuit , at ito naman ay sinagot ni Karla ng makabuluhang mensahe

Bagama’t mayroon pa ring pandemya ay hindi naman nito napigilan ang maraming Pinoy na magdiwang ng holiday season sa mga lugar bukod sa kanilang bahay. Sa pagsunod na rin sa istriktong safety at health protocols laban sa COVID-19, mayroong mga tourist destination dito sa bansa ang nagbukas para sa mga bisita.

Imahe mula Instagram

Kabilang sa mga nagbukas ang turismo sa gitna ng pandemya ay ang isla ng Boracay, subalit limitado lamang na mga turista ang pinapayagang makapunta rito. Isa naman ang pamilya ng Magandang Buhay host na si Karla Estrada sa mga mapapalad na nakapagdiwang ng bagong taon sa Boracay.

Sa kanyang Instagram account ay nagbahagi ng mga litrato at video si Karla ng kanilang naging bakasyon sa Boracay. Tampok dito ang magandang beach at white sand ng isla kung saan masayang nag-enjoy ang pamilya ni Karla.

At dahil nasa beach, karamihan sa mga larawan ni Karla ay nakasuot siya ng swimsuit at handang-handa na mag-pose sa camera. Sa isa niyang post ay puro larawan ni Karla habang nakasuot ng bathng suit. Nilagyan niya ito ng caption na: Ang saya sa isla lalo na pag may sarili puno for ootd!

Imahe mula kay Karla Estrada via Instagram

Isa sa mga pumukaw sa atensyon ni Karla ay ang iniwang komento ng isang IG user, “sana lahat may confidence magsuot ng swimsuit, ako kasi parang hindi kasi mga tao ngayon manghuhusga agad gustong gusto ko sana magsuot ng ganyan kaso yung katawan ko chubby.”

Sinagot naman ni Karla ang naturang komento ng: “‘wag mong isipin ang ibang taong mapanghusga, wala silang saysay sa buhay natin! Suot mo lahat ng gusto mo na ikasasaya mo! Go!”

Imahe mula Instagram

Bukod sa confidence ay hindi rin nakalilimutan ni Karla ang kalusugan ng katawan lalo na sa katatapos na holidays at marami ang nakaing mga handa. Sa isang IG post ay nagbahagi siya ng larawan habang naglalaro ng badminton.

“After being kissed by the sun for 9 days straight and so much munchkin of sweets. Badminton game was badly needed! Let’s go momsh! Burn em all calories!” ani Mumshie Karla.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: