Social media users, iba’t iba ang reaksyon sa P5000 commemorative banknote

  • Iba-iba ang naging reaksyon ng mga netizen sa P5000 commemorative banknote
  • Ang 5000-Piso Lapulapu Commemorative Banknote and Medal ay kick off ng countdown sa ika-500 anibersaryo ng Victory at Mactan
  • Bukod sa mga imaheng nagpapaalala sa Battle of Mactan, makikita rin sa reverse ang Philippine eagle

Inilabas kamakailan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang 5000-Piso Lapulapu Commemorative Banknote and Medal na nagtatampok sa Pilipinong bayani na magiting na lumaban sa mga dayuhang dumating noon sa Mactan.

Image captured from Facebook

Sa Facebook, ibinahagi ng BSP ang mga litrato ng commemorative banknote na inilabas bilang kick off ng countdown sa ika-500 anibersaryo ng “Victory at Mactan”.

“The Bangko Sentral ng Pilipinas, in cooperation with the National Quincentennial Committee, launched on 18 January 2021, the 5000-Piso Lapulapu Commemorative Banknote and Medal to kickoff the 99-day countdown to the 500th anniversary of the ‘Victory at Mactan. On its obverse, the banknote depicts a young Lapulapu, an image of the battle of Mactan, the QCP logo, and the Karaoka, the large outrigger warships used by native Filipinos,” saad ng caption ng mga larawan ng nasabing banknote.

Bukod sa mga imaheng nagpapaalala sa Battle of Mactan, makikita rin sa reverse ang Philippine eagle na sagisag daw ng “clear vision, freedom, and strength” at iba pang mahahalagang simbolo.

“The reverse shows the Philippine eagle, or the Manaol, which symbolizes clear vision, freedom, and strength; and which embodies the ancient Visayan belief that all living creatures originated from an eagle. Also featured are the tree of a coconut, which was food the people of Samar provided to Ferdinand Magellan and his crew; and Mount Apo, which is located in Mindanao, where the circumnavigators finally found directional clues to their intended destination of Maluku or the Spice Island,” dagdag pa ng BSP.

Iba-iba ang naging reaksyon ng mga netizen commemorative banknote. May mga natuwa, may mga naghangad na gawin itong parte ng kanilang koleksyon, at mayroon ding mga nakaaaliw at seryosong reaksyon at kumento tungkol dito.

Image captured from Facebook

Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: