
- Ibinahagi ng isang netizen kung paano niya ni-recycle at ginawang kapaki-pakinabang ang sirang electric fan
- Imbes na itapon at maging dagdag sa electronic waste ang sirang electric fan, ginawa na lamang itong vegetable holder ng nasabing netizen
- Sa kanyang pagbabahagi ay maraming netizen ang nagkaroon ng ideya upang gamitin din sa ibang bagay ang mga sirang gamit
Sa dami ng tao sa mundo, isipin na lang natin kung gaano karami ang mga electronic device at gadget kung bawat isa sa kanila ay nagmamay-ari ng higit pa sa dalawa. Kaya naman nababahala ang ilang environment advocate groups tungkol sa pagdami ng electronic waste hindi lamang sa ating bansa kundi sa buong mundo.

Ang electronic waste o e-waste ay ang mga sira at tinapon nang electronic devices tulad na lamang ng TV, cellphone, washing machine, o maski electrical outlets. Hindi tulad ng ibang bagay na madaling i-dispose, mahirap na tuluyang maglaho ang mga e-waste dahil sa mga materyal kung saan ito gawa.
Kaya naman panawagan ng mga grupo at eksperto, kung maaari ay i-recycle na lang ang mga sirang electronic devices upang magamit ang mga ito sa ibang bagay. Matatandaan na may netizen na nag-post sa social media tungkol sa pagtransform niya ng sirang refregirator bilang aparador na lalagyan ng kanyang mga damit at ibang gamit.
Netizen, ipinagmalaki ang kanilang lumang ref na ginawang aparador
Kamakailan din ay ibinahagi ng netizen na si Jing Adb ang kanyang pag-‘repurpose’ ng sirang electric fan. Ito ay kanyang ibinahagi sa Facebook group na Buhay Zero-Waste upang magbigay ideya o inspirasyon sa ibang kababayan kung ano ang maaaring gawin sa sirang electric fan.

“Instead of just disposing it as garbage, the instinct of repurposing or utilizing for some other useful means merely kicked in out of the blue,” ani Jing. Ang nasabing electric fan ay ginawa niyang vegetable holder—ang dalawang tila cage ng elisi ay kanyang ipinatong sa stand ng electric fan at ito ang nagmistulang lalagyan o holder ng mga gulay at prutas.

Ani pa ng uploader, ang ideyang ito ay collaboration nila ng kanyang mga kaibigan na naisip nila habang nasa loob lamang ng bahay sa kasagsagan ng community quarantine. Marami namang netizen ang nabigyan ng inspirasyon dahil sa pag-repurpose ni Jing.
“Super galing! Plantitos can use this idea too!”
“Gayahin ko nga din ito. Dami naming mga lumang electric fan na hindi na ginagamit nakatambak lang.”
“Angas, ang ganda. Sayang pala yung naitapon namin na sirang electric fan. Thank you for the idea.”