‘Sinong nanggalit kay Elsa?’ Mga tanim sa Atok, Benguet nabalot sa frost

  • Nakararamdam ngayon ng lamig ang maraming bahagi ng bansa dahil na rin sa dalang malamig na hangin ng hanging Amihan
  • Sa Atok, Benguet na kilala dahil sa mga produkto nilang pananim, isang netizen ang nagbahagi ng mga litrato ng mga pananim tulad ng mga repolyo
  • Ayon sa PAGASA, mararanasan pa ang malamig na klima sa bansa hanggang Pebrero

Isa ka rin ba sa mga tinatamad maligo sa panahon ngayon dahil sa lamig ng klima? Nahihirapan ka rin bang tumayo mula sa iyong higaan dahil sa sarap ng iyong pagtulog dahil sa malamig na panahon?

Imahe mula kay Pj Haight via Facebook

Kung ang mga Pinoy na naninirahan sa kapatagan ay lamig na lamig na sa panahon ngayon, paano pa kaya iyong mga naninirahan sa matataas na lugar tulad ng Tagaytay at sa Mountain Province?

Kamakailan ay naitala ang 6 degrees Celsius na temperatura sa Benguet, Mountain Province. Kada taon, inaasahan na ng mga residente ang ganito kalamig na temperatura sa naturang bayan.

At sa sobrang lamig ng temperatura sa Atok, Benguet ay nabalot ng yelo ang mga pananim at halaman dito . Kilala ang Benguet dahil sa mga pananim nilang prutas at gulay tulad ng repolyo, strawberry, at ng mga bulaklak.

Imahe mula kay Pj Haight via Facebook

Sa mga lokal na residente ng Benguet, tinatawag na “andap” ang pagkabalot sa frost ng kanilang mga pananim na labis ang epekto lalo na sa kanilang kabuhayan. Ang mga pananim kasi na nabalot na sa yelo ay hindi na maaari pang ibenta.

Ibinahagi ng netizen na si Pj Haight ang mga larawan at video ng pananim at halaman ngayon sa Atok, Benguet na binalot na ng yelo. Nakamamanghang tignan ang mga ito na tila gawa ng isang karakter sa Disney movie.

Biro nga ng ilang netizen, “sinong nanggalit kay Elsa?” dahil sa nararamdamang lamig ngayon.

Imahe mula kay Pj Haight via Facebook

Sa Baguio City naman na kilala ring pasyalan ng mga Pinoy na nais magpalamig, umabot ang temperatura sa 10.4 degrees Celsius. Kasalukuyan namang tumatanggap ng mga turista ang Baguio subalit sa limitadong dami lamang at sa ilalim ng istriktong protocols laban sa COVID-19.

Ayon naman sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na aabot sa Pebrero ang nararanasang lamig ng panahon ngayon.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: