Scarlet Snow Belo, pati sina Vicki at Hayden Kho, nag-ampon ng baby rhino sa Africa

  • Sa pagdiriwang ng bagong taon ay pumunta ang pamilya ni Vicki Belo at Hayden Kho kasama ang anak nilang si Scarlet sa Africa
  • Habang nasa Africa ay naisipan ng pamilya na mag-ampon ng isang baby rhinoceros na karaniwan nang matatagpuan sa Africa 
  • Ang pag-aampon sa baby rhino ay pinagkasunduan ng buong pamilya ni Scarlet na nais itong maprotektahan laban sa mga mangangaso

Ano ang iyong naging selebrasyon sa pagdaan ng Pasko at Bagong taon? Tumulong ka ba sa pagluto ng mga handa ng iyong pamilya? Isa ka rin ba sa mga nag-ingay at nakitalon noong 12 midnight ng January 1?

Imahe mula Instagram | @scarletsnowbelo

Para sa social media child star na si Scarlet Snow Belo, “I’ve always wanted to know what it feels like to sleep in the savannah like a cub,” at ito nga ang pinaranas sa kanya ng mga magulang na sina Vicki Belo at Hayden Kho nang pumunta sila sa Africa at doon ipinagdiwang ang bagong taon.

Sa kanyang Instagram account ay makikita ang iba’t ibang larawan at video ni Scarlet habang nage-enjoy sa kanilang pagbisita sa Kenya sa Africa. Makikita rin na sumakay sa hot air balloon at nagpakain ng mga wildlife animal tulad ng giraffe si Scarlet na tuwang-tuwa dahil sa kanyang mga naranasan.

Imahe mula Instagram | @scarletsnowbelo

At sa kanila ngang pagbisita ay hindi lamang naging saksi ang pamilya ni Scarlet sa magagandang tanawin at mga wildlife animal sa Kenya kundi nag-ampon din sila ng baby rhinoceros!

Guess what, peoples! We’re adopting a younger brother for me. Do you want to know who he is? He’s a baby rhinoceros! He needs our love and protection because poachers killed his parents to get their horns,” ang nakalagay sa caption ng mga litrato ni Scarlet habang kasama niya ang isang matandang rhino.

Imahe mula Instagram | @scarletsnowbelo

Ayon pa sa post ni Scarlet, napagkasunduan ng kanyang mga magulang ang pag-ampon sa baby rhino na pinangalanan nilang “Plasty the Belo Rhino.” At dahil hindi naman nila ito madadala pabalik ng Pilipinas, magbibigay na lamang sila ng pera para sa mga mangangalaga kay Plasty.

“The money will make sure he has veterinarians and rhino rangers from @lewa_wildlife who will make sure Plasty is safe and healthy. There’s not many rhinos left on earth so they really need the protection of us kiddie rangers!” ang dagdag pa sa post ni Scarlet.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: