Rider patuloy na hinahanap ang motor na nawala sa labas ng isang shopping mall

  • Patuloy na hinahanap ng isang Foodpanda rider ang motor na nawala sa kanya sa isang shopping mall sa Marikina
  • Gayunman, hindi pa rin tukoy kung sino ang kumuha ng motor
  • May kopya na ng CCTV footage si Shecell Moreno at ang kanyang asawa

Isa ang mga food delivery rider sa mga unsung heroes ng COVID-19. Gayunman, sa halip na papuri at pasasalamat ang matanggap sa pagiging frontliner, may mga pagkakataong mas nagiging mahirap sa kanila ang lahat dahil sa mga taong mapagsamantala at mapanlamang — katulad na lamang ng nangyari sa isang Foodpanda rider na nawalan ng motorsiklo kamakailan sa isang shopping mall sa Marikina.

Image captured from Facebook

Sa Facebook, ibinahagi ni Shecell Moreno ang litrato ng nawawalang motorsiklo na hinahanap pa rin nilang mag-asawa kahit halos isang linggo na ang nakararaan matapos itong tangayin sa labas ng Ayala Malls Marikina.

“Please po, pakitulungan naman ako. Ngayon lang po. Nawala iyong motor ko. Sa mismong sa labas ng Ayala Mall Marikina naka-park,” panawagan ni Moreno sa caption ng litratong ibinahagi niya.

Bagama’t may kopya na ng CCTV footage mula sa barangay hall ng Marikina Heights, hindi pa rin tukoy, as of posting, kung sino ang tumangay ng sa motorsiklo.

“Ito po ang kuha ng CCTV sa barangay ng Marikina Heights kung saan ako nag-park sa mall. Five days na po ngayon simula nang nawala ang motorcycle ko,” saad niya sa post na naglalaman ng footage na kanyang nakuha.

“Nakakainip maghintay kung anong update dahil habang naghihintay ay lalo kami nahihirapan dahil walang pamalit sa nawalang motorcycle kaya hindi makapaghanapbuhay,” hinaing ng biktima.

Samantala, aktibo naman ang mga social media user na sinusubukang tulungan sina Moreno sa pamamagitan ng pagse-share at pag-a-up ng kanyang post. Bukod sa hangad ng mga ito na matagpuan na ang dapat managot sa pagkawala ng motorsiklo, nais din nilang ibahagi ang tungkol sa insidente upang magsilbing aral sa iba na maging mas maingat pa sa panahong ito.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: