
- Sa isang panayam, hindi tinanggap ni Regine Velasquez ang pagpapangalan sa kanya ng fans bilang “Queen of OPM”
- Aniya, mas mahalaga sa kanya ang maging inspirasyon para sa mga baguhang singers na nagnanais na magkaroon ng matagumpay na career sa industriya
- Ngayong darating na Pebrero ay magkakaroon ng virtual concert si Regine na kada taon niya isinasagawa tuwing Valentine’s
Sino mang Pinoy ang tanungin, tiyak na kilala niya si Regine Velasquez-Alcasid, ang tinaguriang “Asia’s Songbird.” Bilang isang beteranong singer sa local and international scene, marami nang tao ang napamangha ni Regine dahil sa kanyang pagkanta at taas ng boses.

Kabilang si Regine sa mga actor-singers na mula noon at hanggang ngayon, ay nagkakaroon pa rin ng mga proyekto. At ngayong paparating na ang Valentine’s day, isasagawa ni Regine ang digital concert na pinamagatang “Freedom,” naging tradisyon na ng singer na kada taon ay magsagawa ng concert tuwing Pebrero.
Bilang bahagi ng new normal sa gitna ng pandemya, mapapanood ang virtual concert ni Regine via live streaming sa KTX.ph sa nalalapit na February 14. Dahil sa patuloy na “legacy” ng Asia’s songbird sa music industry, maraming Pinoy fans ang tumatawag sa kanya ngayon bilang “Queen of OPM.”
Subalit sa isang virtual press conference para sa kanyang upcoming concert, sinabi ni Regine na hindi niya tanggap ang tawaging “Queen of OPM.” Aniya, “I don’t know how it is to be a queen. Although my name means ‘queen,’ I am definitely not a queen.”

“Last time I checked, hindi naman si Prince Charles ang tatay ko, [kundi] si Mang Gerry. Chineck ko naman ‘yung blood ko, hindi naman blue,” pagbibiro pa ng songbird na mayroong lahing British dahil sa kanyang biological father.
“I’m very flattered and grateful for the title that I’m given, but like I said, I am not at all a queen. I am far away from being a queen, but I do work hard. I am very, very passionate [with the work I do],” pagseseryosong sabi ng 50-anyos na si Regine.
Imbes na maging ‘queen,’ nais umano niyang maging inspirasyon sa mga kapwa mang-aawit, “right now, hindi na nag-ma-matter sa akin ‘yung, ‘sikat ka pa ba?’ Ang mas importante sa akin ‘yung nakaka inspire ka ng mga baguhang singers.”
“They can relate to my story. Being able to inspire them, and to have it in their mindset na — ‘If Regine can do it, so can I’ — that’s the most important to me,” dagdag pa ng songbird.