‘Parang hindi ka naman 5, parang 25 ka na’: Judy Ann Santos-Agoncillo, may nakaaaliw na birthday message sa anak na si Luna

  • Ipinagdiwang kamakailan ang ikalimang kaarawan ng bunsong anak nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo na si Luna
  • Sa kanyang Instagram account, nagpabahagi ng birthday message si Judy Ann para sa kanyang anak
  • Ibinahagi rin ni Judy Ann ang “minnie mouse themed” zoom party na naganap sa kaarawan ni Luna

Bukod sa mayroon pa ring COVID-19, natuklasan din kamakailan ang bagong variant nito na kung sino man ang maging positibo ay mas madali o mabilis na makapanghahawa sa kapwa.

Imahe mula Instagram

Dahil sa pangamba ng COVID-19, marami sa mga Pilipino ang nagtitiis na lamang na magkita-kita o magdiwang ng mga selebrasyon “virtually” habang nasa isang video conference. At ito nga ang naging tema ng katatapos na kaarawan ng bunsong anak nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo na si Luna.

Sa kanyang Instagram account, binati ng beteranong aktres na si Judy Ann ang anak na si Luna sa kanyang ikalimang kaarawan. Aniya, hindi siya makapaniwala na limang taon lamang si Luna.

“Our little potpot, my little sous chef, kikay baby, wacky bunso happy 5th sweetheart! Oh my, parang hindi ka naman 5, parang 25 ka na. The way you think, talk and understand are just some of your traits that truly amazes mommy and daddy. We will forever be grateful for you sweetheart. We love you forever and ever and ever,” ang mensahe ng aktres sa bunsong anak.

Imahe mula Instagram

Sa isa pang IG post, ibinahagi ni Judy Ann ang naganap na selebrasyon sa kaarawan ni Luna. “She’s been looking forward to her ‘minnie mouse themed’ zoom party with friends ever since after Christmas. She had soo much fun, seeing and playing with her friends kahit virtual lang.”

Simpleng “singko (heart emoji)” naman ang post ni Ryan Agoncillo kalakip ang larawan ng kanyang anak. Sa kanyang IG feed ay mapapanood ang mga ibinabahaging video ni Ryan ng makulit at aktibong si Luna.

Tatlo ang anak nina Judy Ann at Ryan na ikinasal noong 2009, ang panganay na si Yohan, 16 years old, Lucho, 10 years old, at si Luna, 5 years old.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: