Pamilyang nasalanta ang bahay ng sunod-sunod na bagyo, makatatanggap ng bagong house and lot

  • Isang pamilya mula sa Camarines Sur ang nakatanggap ng bagong bahay at lupa mula sa partnership ng programang Unang Hirit at Lumina Homes
  • Ang nasabing pamilya ay pansamantalang nakatira sa barong-barong na ginawa ng tatay dahil nasira sa bagyo ang kanilang bahay
  • Bukod sa house and lot ay nakatanggap din ang pamilya ng P50,000 cash at bagong gamit ng tatay na isang construction worker

Marami mang Pinoy ang nararamdamang hindi maganda ang pagpasok ng taong 2021 o ng Year of the Ox, para sa pamilya ni Arjay Canlas Ruben, ang unang buwan ng 2021 ay isang magandang simula para sa kanyang pamilya.

Imahe mula sa GMA News via Facebook

Mula sa 10,000 na mga kandidatong sumali sa “Bagong Bahay promo” ng Unang Hirit sa pakikipatulungan nila sa Lumina Homes, mapalad na napili ang pamilya ng 29-anyos na si Arjay mula sa Barangay Baltan, Camarines Sur bilang grand winner na makatatanggap ng bagong house and lot.

Matinding hirap ang pinagdaanan ng pamilya ni Arjay noong nakaraang taon — nawalan siya ng proyekto bilang construction worker dahil sa pandemya. At upang kumita kahit kaunting pera ay suma-sideline si Arjay sa mga construction sites.

Nang unti-unting lumuwag ang lockdown sa bansa ay unti-unti ring bumalik ang mga oportunidad sa trabaho ni Arjay. Sila ay nakatira sa 9-anyos na bahay malapit sa creek na mismong si Arjay ang gumawa gamit lamang ang mga kawayan at dahon ng anahaw. At nang inakala nila ng kanyang pamilya na magiging ayos na ang lahat, saka naman sunod-sunod na nanalanta ang bagyong Rolly at Ulysses.

Imahe mula sa GMA News via Facebook

Nasira ng mga bagyo ang tahanan ng pamilya ni Arjay, kaya napilitan siyang ayusin na lamang ito sa pamamagitan ng pagtagpi-tagpi ng yero at kahoy para lamang may masilungan ang kanyang pamilya.

“Napakaresponsable niyang tatay. Lahat ginagawa niya para sa kanyang mga anak,” ang paglalarawan kay Arjay ng kanyang kapitbahay. At dahil na rin sa  kasipagan ni Arjay ay magkakaroon na ng maayos na tirahan ang kanyang pamilya.

Bukod sa house and lot, binigyan din ang pamilya ni Arjay ng P50,000 at mga bagong gamit sa construction. “Maraming salamat po sa lahat ng staff ng Unang Hirit at Lumina Homes. Sana marami po kayong matulungan, hulog po kayo ng langit sa ‘min,” ani Arjay.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: