
- Inanunsyo ng SPAM Philippines na mayroon silang food truck na matatagpuan sa entrance ng SM Mall of Asia
- Ang SPAM food truck na ito ay nagbebenta ng iba’t ibang snacks na gawa sa SPAM
- Bagama’t magandang balita ito para sa maraming Pinoy na mahilig sa SPAM, hanggang January 28 lamang ang nasabing food truck sa Mall of Asia
Nakasanayan na ng maraming Pinoy na makakain ng SPAM lalo na kung padala ito sa package ng kanilang mga kamag-anak mula sa ibang bansa. Sa pagdaan ng panahon ay hindi na lamang sa mga Duty Free nabibili ang international product na SPAM kundi kahit sa mga local grocery store ay mabibili na rin ito.

Bagama’t may kamahalan ang presyo, marami pa ring Pinoy ang nakahiligang bilhin ito dahil sa nakahuhumaling na lasa. Hindi na lang din ito piniprito kundi ginagamit na rin ito bilang main ingredient sa iba-ibang putahe.
Kaya naman isang magandang balita ang inanunsyo ng Facebook page ng SPAM Philippines dahil isang SPAM food truck ang matatagpuan sa entrance ng SM Mall of Asia. Ang food truck na ito ay nagtitinda ng iba’t ibang putahe na gawa sa SPAM tulad ng sweet and sour rice bowl, waffle sticks, spicy cup noodles, cheese donut, at iba pa.

Sulit din ang presyo ng mga putahe na ito sa SPAM food truck na nagkakahalaga mula P99 hanggang P149. Ang nasabing food truck ay magtatagal lamang sa Mall of Asia hanggang January 28. Hindi pa inanunsyo ng SPAM Philippines kung saan susunod na tatambay ang kanilang food truck.
Sa kanilang website, nagbahagi rin ang SPAM PH ng ilang menu at recipes na maaaring iluto ng mga Pinoy gamit ang SPAM. Nariyan ang SPAM menudo, SPAM bicol express, SPAM chapsuey, SPAM puto, at marami pang iba.

Matatandaan na lumaganap din sa social media kamakailan ang “Spam Challenge” kung saan ay paramihan ang mga netizen ng mahahating piraso sa isang buong SPAM. Nakagugulat na ang ilan sa kanila ay nagawang makapag-produce ng nasa 28 slices sa isang buong SPAM.