Paaralang nasalanta ng bagyo sa Catanduanes, nananawagan na makatanggap ng generator o solar panel

  • Isang lugar sa Catanduanes ang wala pa ring suplay ng kuryente matapos manalasa roon ang bagyong Rolly noong nakaraang Oktubre
  • Kaya naman humiling sa publiko ang mga guro ng paaralan  na sana ay mabigyan sila ng generator o solar panel
  • Ang kahilingan na ito ay para na rin maipagpatuloy nang maayos ang modular distance learning ng mga estudyante

Maituturing nang nagdaan ang taong 2020 — ang taon na para sa maraming Pinoy ay nais nilang kalimutan o hindi na muling mangyari dahil sa dami ng mga hindi magagandang bagay na naganap.

Imahe kuha mula sa video ng ABS-CBN News via YouTube channel

Subalit mayroong mga pangyayari noong 2020 na hanggang ngayong bagong taon ay hindi pa rin malilimutan at patuloy pa rin na nararanasan — ito ay ang pagkakasalanta ng maraming lugar dulot ng mga nagdaang bagyo noong Oktubre at Nobyembre.

Isa sa mga lugar na labis na naapektuhan ng bagyo ay ang Catanduanes, at hanggang ngayon, mayroon pa ring lugar dito ang hindi pa naibabalik ang suplay ng kuryente simula noong nanalasa ang bagyong Rolly noong Oktubre.

Imahe kuha mula sa video ng ABS-CBN News via YouTube channel

Sa ulat ng ABS-CBN, isang paaralan sa bayan ng Bato sa Catanduanes ang humihiling sa publiko na mabigyan sila ng generator o maski solar panel upang magkaroon na sila ng suplay ng kuryente.

“Kasi po ang solar panels mas long term po saka sustainable po. Kung sakaling magkaroon ng ganyang mangyayari, mayroon na kaming magagamit tulad ngayon na kailangan na naming mag-print, kung saan-saan kami nakakarating para makapag-print lang po,” ayon kay Marshall Tito, teacher-in-charge ng Bagumbayan Elementary School.

Imahe kuha mula sa video ng ABS-CBN News via YouTube channel

Nalubog sa baha ang nasabing eskuwelahan dahil sa pag-apaw ng katabi nitong ilog noong nanalasa ang bagyong Rolly. At dahil wala pa ring kuryente, pahirapan sa kanilang lugar ang pagpapatupad ng modular distance learning ng kanilang mga estudyante.

Hinaing pa ng paaralan ang kakulangan nila sa guro,  apat lamang na mga guro ang naghahati-hati sa modular distance learning ng 63 na mga estudyante. Buti na lamang umano at mayroon silang dalawang learning support aide o parateachers na bumibisita sa 7 mula sa 15 estudyante ng kanilang paaralan na medyo hirap sa pag-aaral.

Ayon din sa teacher-in-charge na si Marshall, hindi pa rin napapalitan sa kanila ang mga nabahang module. Sana naman ay may tumugon na sa kanilang panawagan .

Panoorin ang buong panayam sa kanya dito:


Loading...
Source :

YouTube

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: