
- Kumalat sa social media ang kakaibang gimik ng isang online shop ng mga damit
- Imbes na sa totoong model ipinasuot ang mga damit, sa mister ito ipinagamit
- Ngunit ang twist, ipinatong ang mga damit habang si mister ay tulog
Ang pagbebenta ng mga damit online ay isa sa patok na mga negosyo ngayon. Mas gusto kasing manatili ng mga shoppers sa bahay dahil sa takot na mahawaan ng COVID sa pamimili sa labas.

Ngunit bigla naman ding dumami ang mga online sellers kaya matindi rin ang kompetisyon na kailangan nilang pagdaanan para matagumpay na makapagbenta. Dahil dito, iba’t-ibang gimik ang ginagawa ng mga sellers para umangat sa lahat.
Isang ideya ang ibinahagi ng Jo’s Online Shoppe na talaga namang kinaaaliwan ng mga babaeng shoppers at damay na rin ang kanilang mga mister. Bakit?
“No mannequin? No problem. Effort is the key mga sis. Hindi puwedeng walang ambag mga asawa natin, noh? Hahaha. Ganito na uso ngayon kung pa’no magbenta.”
Ganyan inilarawan ng may-ari ng shop ang mga imahe kung saan imbes na sa totoong mannequin ipasuot ang mga damit pambabae, sa mister ito ipina-model. Ang mas nakaaaliw, natutulog pa si mister sa kama at ipinatong lamang ang mga damit at isa-isang kinunan ng larawan at nilagyan ng mga detalye gaya ng sukat, haba, waist line at ipinost sa social media.
Alam kaya ng mister ang mga kaganapan?
Hindi matukoy kung sino at saang shop ito orihinal na ibinahagi ngunit ang mga letra ay nasa wikang Thai

Naghatid naman ito ng good vibes sa mga shoppers kaya umabot ang post sa 8.5k reactions, 4.6k comments at 18k shares.
Pinuri naman ng mga netizens ang pagmo-model ng mister sa mga damit dahil maganda naman daw ang katawan nito at kutis. Kaya marami rin ang napa-mine dahil maganda tingnan ang mga damit sa kanya.
Marami ang nag-tag sa kanilang asawa at boyfriend sa post upang makita ang nakatutuwang ideyang ito. Siyempre, hindi lahat sumang-ayon. Hahaha.
Subalit paalala ng may-ari, “This is for fun only mga sis, ha. Hahahaha.”
Medyo kakaiba nga ang gimik na ito upang humakot ng audience online ngunit kung supportado ito ng iyong partner, bakit naman hindi?
Kayo? Ano ang mga katangi-tangi ninyong estilo sa pagbebenta ng damit online? May gusto kayang sumubok nito?