‘One day may mapapatunayan ako’: Pagkapanalo ng acting award, ipinagdasal ni Charlie Dizon

  • Maingay ngayon sa showbiz ang pangalan ni Charlie Dizon pagkatapos niyang mapanalunan ang Best Actress award sa Metro Manila Film Festival
  • Ayon sa isang panayam, sinabi ni Charlie na ipinagdasal niya ang pagkakaroon ng award at magkaroon ng malayong mararating sa showbiz
  • Ngayon ay sunod-sunod na ang nakahandang proyekto para kay Charlie at mas dumami na rin ang nakakakilala sa kanya bilang artista

Taong 2018 nang pumirma ng kontrata sa Star Magic ang ngayong 24 anyos na si Charlie Dizon. Usap-usapan ang pangalan ngayon ni Charlie dahil na rin sa pagkapanalo niya ng Best Actress para sa pelikulang fan girl na kabilang sa katatapos na Metro Manila Film Festival (MMFF).

Imahe mula Instagram

Ayon kay Charlie, na ang tunay na pangalan ay April Rose Dizon Matienzo, mismong ang ABS-CBN executive na si Charo Santos-Concio ang nagbigay sa kanya ng pangalawang “Charlie Dizon” na agad naman niyang tinanggap dahil puwede umanong gamitin ng dalawang kasarian.

Pagkatapos ng dalawang taon sa ilalim ng Star Magic ay nagkaroon na nga ng magandang resulta ang takbo ng kanyang showbiz career dahil na rin sa pelikulang Fan Girl.

Una nang nakilala at napanood si Charlie sa prequel ng Four Sisters and a Wedding, ang Four Sisters Before the Wedding – na ipinalabas nito lamang Disyembre kung saan ginampanan niya ang papel bilang batang Teddy.

Imahe mula Instagram

Sa isang panayam, inamin ni Charlie na unti-unti nang nagbabago ang takbo ng kanyang karera dahil na rin sa natatanggap na atensyon. “Nagulat ako sa dami ng taong nag-ko-congratulate tapos parang naging busy ‘yung social media ko bigla. Tapos naging sunod sunod yung mga ganap.”

Kinuwento rin ni Charlie kung paano siya nangarap at nagdasal na magkaroon ng magandang karera sa showbiz.

“Pinagpe-pray ko siya talaga. As in dati pa. As in nung nagsisimula pa lang ako. Lagi ko din siyang ine-envision na one day mananalo ako or one day may mapapatunayan ako.”

Imahe mula Instagram

Bago pa pumirma sa Star Magic, una nang naging K-pop idol trainee si Charlie sa South Korea. Ilang beses din siyang nagpabalik-balik sa Pilipinas at South Korea para lamang makamit ang pangarap na maging K-pop idol. Subalit dahil sa problema sa visa at kontrata ay kinailangang kalimutan ni Charlie ang pangarap na ito.

Bagama’t isa nang artista dito sa Pilipinas, hindi pa rin nawawala ang komunikasyon ni Charlie at mga nakasama sa South Korea tulad ng Momoland member na si Nancy  McDonie na tinawag si Charlie bilang “best friend in the Philippines.”


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: