Nakaaaliw na “style swap challenge” nina Ivana Alawi at Mimiyuuuh, milyon-milyon na ang views

  • Maituturing na kabilang sa pinakasikat at matagumpay na vloggers ngayong panahon sina Ivana Alawi at Mimiyuuuh na nagkaroon na ng ilang collaboration
  • Sa unang araw ng 2021 ay ibinahagi ni Mimiyuuuh ang nakaaaliw na “style swap challenge” nila ni Ivana
  • Umani na ng milyon-milyong views ang style swap challenge na ito ng dalawa dahil sa kanilang nakatutuwang mga eksena

Maraming Pinoy ang naging panatiko sa panonood ng vlogs lalo na noong nagkaroon ng lockdown dulot ng pandemya. Upang aliwin ang kanilang mga sarili habang nasa loob ng bahay, maraming Pinoy ang nanood ng vlogs at nagkaroon ng kanilang mga paboritong YouTube channel at mismong mga vlogger.

Imahe kuha mula sa video ni Mimiyuuuh via YouTube channel

Kabilang sa maituturing na pinakasikat at matagumpay sa industriya ng vlogging ay sina Ivana Alawi at Mimiyuuuh na mayroong milyon-milyong subscribers sa kanilang channel at social media accounts.

Kaya naman hindi na nakapagtataka na sa unang araw pa lamang ng 2021 ay marami na agad Pinoy ang tumutok sa latest vlog ni Mimiyuuuh tampok ang “style swap challenge” nila ni Ivana.

Layunin ng style swap challenge na pagpalitin ang fashion style ng magkaibang tao upang tignan kung bagay ba sa kanila ang magkaroon ng ibang style. At dahil lubos na magkaiba sa hugis pa lang ng katawan at fashion sense sina Ivana at Mimiyuuuh, naging kakatwa ang vlog nila.

Imahe kuha mula sa video ni Mimiyuuuh via YouTube channel

Isang araw pa lang pagkatapos ma-upload ang style swap challenge vlog nina Mimiyuuuh at Ivana ay umani na ito ng milyon-milyong views. Sa video kasi ay mapapanood kung paano sinuot ni Mimiyuuuh ang mga seksi bikini ni Ivana.

Dahil masyadong “daring” at seksi ang mga damit at bathing suit ni Ivana, nakasuot ng cycling shorts si Mimiyuuuh. Habang bagay na bagay naman lahat ng damit na pinasuot ni Mimiyuuuh kay Ivana.

Imahe kuha mula sa video ni Mimiyuuuh via YouTube channel

“Hala, parang flat na flat ako,” ang nasabi na lang ni Mimiyuuuh dahil sa mga bathing suit na pinasuot sa kanya ni Ivana. Samantalang ang sexy star ay gandang-ganda naman sa mga damit na pinasuot sa kanya.

Panoorin ang nakaaaliw na vlog ni Mimiyuuuh at Ivana dito:


Loading...
Source :

YouTube

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: