Nakaaaliw na “Mori Set,” itinuro ni Mimiyuuuh sa volleyball star na si Alyssa Valdez

  • Sa kanyang latest vlog, nakipagharutan naman si Mimiyuuuh sa volleyball superstar na si Alyssa Valdez
  • Sa vlog ay mapapanood na tila tinuruan ni Mimiyuuuh si Alyssa ng mga bagong moves sa volleyball kabilang na ang nakaaaliw na “Mori Set”
  • Game na game naman si Alyssa sa mga biruan at kalokohan na tinuro ni Mimiyuuuh

Maraming Pinoy fans ang natuwa nang ibalita ng kilalang vlogger at influencer na si Mimiyuuuh ang bagong bahay na kanilang nilipatan. At pagbibiro pa ni Mimiyuuuh, hindi umano niya ito binayaran nang buo at downpayment pa lamang ang kanyang naibibigay.

Imahe mula sa video ni Mimiyuuuh via YouTube channel

“Alam n’yo naman po na kabibili ko lang ng bahay, at kailangan kong habulin ang pagbabayad nito dahil habang tumatagal ‘yung pagbabayad , eh mas tumataas ang interes. Kaya naman po lahat ng trabaho ay papasukin ko na,” pahayag ng vlogger sa unang bahagi ng kanyang latest vlog kasama ang volleyball superstar na si Alyssa Valdez.

Pagbibiro ni Mimiyuuuh, mayroong nag-“hire” sa kanya upang maging volleyball coach, at ito ay si Alyssa. Nagbiruan pa ang dalawa na nakikita umano ni Mimiyuuuh ang potensyal ni Alyssa na maging isang magaling na manlalaro sa volleyball.

Kilala si Alyssa Valdez bilang “The Phenom” dahil sa kanyang galing sa paglalaro ng volleyball. Una siyang nakilala bilang manlalaro sa UAAP sa koponan ng Ateneo Lady Eagles. Naglaro din siya sa national volleyball team ng bansa at nakalaban at nakalaro na rin ang iba’t ibang lahi.

Imahe mula sa video ni Mimiyuuuh via YouTube channel

Bilang bagong “coach” ni Alyssa, tinuruan niya ang atleta ng iba’t ibang uri ng pag-set sa bola: ang “pan set,” “up set,” at ang huli ay ang nakaaaliw na “Mori Set” kung saan ay tila gagayahin muna ang mataas na boses ng singer na si Morisette Amon bago i-set ang bola.

Bukod sa pag-set ng bola, tinuruan din ni Mimiyuuuh si Alyssa ng iba’t ibang uri ng spike, kabilang na rito ang nakaaaliw na “spiking ina” kung saan tawang-tawa ang dalawa dahil sa kanilang kalokohan.

“Napansin mo gumaling ka sa pagba-volleyball?” tanong ni Mimiyuuuh kay Alyssa na sinagot naman niya ng, “mas relax ako, mas napalo ko ‘yung bola.”

Panoorin ang nakaaaliw na video nina Mimiyuuuh at Alyssa dito:


Loading...
Source :

YouTube

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: